Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Showtime’ mabenta sa YT

0 163

Dahil sa oath-taking ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. kahapon, maraming TV shows ang na-preempt.

Ang ‘It’s Showtime’ ng ABS-CBN, late na nakapagsimula.

Siyempre, historical ang event kahapon, kaya understandable na kailangang live coverage talaga ang mga TV network doon.

At least, nakapag-live pa rin ang ‘It’s Showtime’ dahil talaga namang maraming viewers ang show, huh!

Sa YouTube entertainment channel nga ng ABS-CBN ay sobrang taas ang live viewership nila.

Bongga!

Janice suportado HIV-AIDS movie

Very proud si Bambbi Fuentes sa pelikula niyang ‘Sugat sa Dugo’.

Yes, ang beauty expert na si Bambbi ang producer ng nasabing pelikula na pinagbibidahan nina Janice de Belen, Sharmaine Arnaiz, Khai Flores, Christa Jocson, Mira Aquino.

Nanalo na si Janice ng best actress sa Manhattan International Film Festival.

Bale ‘yung short version ng ‘Sugat sa Dugo’ ang isinali nila roon, pero nagkaroon sila ng additional shooting days dahil ginawa nilang full length ‘yon dahil magkakaroon sila ng theatrical release this year.

Yes, Dondon (my dear editor), naghahanap na lang ng magandang release date si Bambbi at ang co-producer Tin Ariola para maipalabas nga sa mga sinehan ang nasabing pelikula.

Sobrang happy nga si Bambbi dahil very cooperative raw si Janice sa ‘Sugat sa Dugo’.

Sey pa ni Bambbi, “HIV-AIDS advocacy movie ito na based on actual events.”

Nice!

John Lloyd walang problema sa GMA

Ang bilis talaga ng panahon, Dondon. Aba, parang kailan lang nang mag-announce ang GMA-7 tungkol sa ‘Happy ToGetHer’ sitcom ni John Lloyd Cruz at ngayon nga ay nasa third season na sila, huh!

Nang makatsikahan ko nga si Direk Edgar Mortiz (kompanya niya ang line-producer for Kapuso network ng nasabing sitcom), naikuwento niyang very smooth ang takbo ng kanilang taping.

In fairness, wala kang maririnig na naging problema sa taping ng sitcom na ‘yon ni Lloydie, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.