Una sa Balita

Showbiz personality aksidenteng na-like ang post ni Barretto

0 739

abante-anything-goes-jun-lalinSa showbiz ngayon, maraming tinatawag na Team Bea na obviously ay kampi kay Bea Alonzo sa issue sa pagitan nila ni Julia Barretto.

May Team Julia rin ba? Eh, ang Tita Gretchen Barretto kasi ng estranged girlfriend ni Joshua Garcia ay very vocal na Team Bea, huh!

Anyway, marami rin naman sa showbiz ang ayaw kumampi. Neutral lang. Ang dahilan nila, hindi naman sila involved sa issue sa dalawa, kaya better na wala silang kampihan, huh!

Marami rin sa mga celebrity, nakikitingin lang sa social media accounts nina Bea at Julia, pero hindi nag-la-like, nagse-share o nagko-comment.

Pero maaaliw ka sa showbiz persona-lity na ito na ayaw makialam sa away ng dalawang aktres.

Sinita kasi siya ng isang malapit sa kanya.

Bakit daw niya ni-like ang post ni Julia?

Nagulat si celebrity. Wala naman daw siyang nila-like. Ayaw naman kasi niyang makialam sa away nina Bea at Julia. Ni hindi siya nakikisawsaw, nakikitingin lang siya sa mga post ng dalawa.

Pero mukhang ka kaba-browse niya sa posting nina Bea at Julia, aksidenteng na-like niya ang post ng huli.

Actually, may mga celebrity naman na nagsasabing neutral lang sila dahil ayaw nilang mangyari na sila pa ang maipit sa issue ng dalawa.
Hehehe!

Beth Tamayo patuloy sa pagtakbo

Kung noon ay sa New York City based ang dating aktres na si Beth Tamayo, ngayon ay sa San Francisco, California na siya.

Actually, nadalaw na nga siya roon ng dating BFF na si Judy Ann Santos.
Mukhang enjoy na siya roon at isa sa pinagkakaabalahan niya ay ang pagsali sa mga marathon around America.

Sa tsikahan namin ni Beth, natanong ko siya tungkol sa pagma-marathon niya na according to her ay, “It’s a little pricey but we plan ahead so keri na din.”

Kuwento pa niya, “I’ve done five full marathons (26.2 miles) in Paris, London, Berlin, NYC and Boston. I have Chicago in October and then Tokyo next year. I think Anne Curtis is running that one too.

“Then most Half Marathons are here Lang in the US. I don’t do halfs na international,” sabi ni Beth.

Nakasabay raw niya sa London si Anne at sa Berlin si Charlene Gonzalez, pero, “I just knew that they ran it from the Pinoy groups. But I didn’t get to see them. And we have different starting lines.”

Kapag may film or TV production nga pala sa America ay madalas na kunin ang serbisyo ni Beth at ok lang naman sa kanya dahil kahit adjusted na siya roon ay love pa rin naman niya ang pag-aartista!

Jolo, Angelica sa Pelican Hill ikakasal

Kahapon ay nagpunta ako sa Pelican Hill sa Newport Beach, California.

Nag-live pa nga ako sa Abante News Online page sa Facebook.

Ang lugar na ‘yon ang sinasabing magiging venue ng kasal ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa fiancée niyang si Angelica Alita.

Ang ganda ng lugar na ‘yon at perfect talaga for a destination wedding.
Ang tsika, December 15 ang kasal nina Jolo at Angelica.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy