Una sa Balita

Showbiz lumuha sa pagkamatay ni Direk Maryo

By
0 4,480

We have loved him in life, let us not forget him in this time of sorrow,” ang pakiusap ni June Torrejon-Rufino, ang manager at matalik na kaibigan ni Delos Reyes.

“I just lost not only an amazing director but a loving friend and confidant. Thank you for accepting me as a person with all my weaknesses and flaws.

“I will cherish all those wonderful memories, our lunch together, talks I had with you. I love you Direk. May your beautiful soul rest in peace,” ang mensahe ni Andrea del Rosario.

“Nakakabigla! ‘Di na ako nakatulog ng aking nalaman. Ilang dekada rin kami magkasama sa hirap at ginhawa ni Maryo kaya masakit ang bigla niyang pagpanaw.

“Paalam kapatid, ‘di ka namin makakalimutan habang kami’y nabubuhay,” ang malungkot na pahayag ng multi-awarded film editor and director na si Edgardo ‘Boy’ Vinarao.

Nagluluksa rin ang former beauty queen na si Alma Concepcion na tumatanaw ng malaking utang na loob kay Delos Reyes dahil ito ang direktor niya noong nagsisimula pa lamang ang kanyang acting career.

“I wouldn’t have been able to reach my success as an actress if not for Direk Maryo. On my second movie, ‘Sa Ngalan ng Pag-ibig’, which he directed, I got several nominations.

“He started my career. He was my spring board. He patiently­ taught me to act so mature (my role was a mistress) even though I was only 18.

“Whenever I saw him I incessantly expressed that he was an ins­trument behind all my achievements as an actress.
“I always thanked him, I know he felt how thankful & grateful I have always been. But again, I am saying THANK YOU in behalf of my family direk,” ang tribute ni Alma kay Delos Reyes.

Nagkita sa presscon ng Sherlock Jr. sina Delos Reyes at Sharmain­e Arnaiz, isa sa cast member ng bagong primetime television series ng GMA 7.

Iyak nang iyak si Sharmaine nang malaman nito ang malungkot na balita dahil hindi rin niya malilimutan ang mabuti na pakikitungo sa kanya ni Delos Reyes.

“Remembering your kindness and how you believed in me just makes the tears fall off my face. Maga na mata ko kakaiyak.

“Wished I hugged you tighter sa presscon ng Sherlock Jr. Wished I told you how much I appreciate you…salamat lang sa lahat,” ang sabi ni Sharmaine.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy