Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Show para daw sa mga sadista: Hindi ka batas! – RR Enriquez kay Raffy Tulfo

0 1,388

Pinatamaan ng aktres na si RR Enriquez si public affairs host Raffy Tulfo na sinabing namamahiya ito ng tao sa kanyang show.

Ito’y bilang pagpapakita ng suporta ni RR sa Kapamilya actress na si Janella Salvador na inireklamo ng kanyang dating personal assistant dahil sa umano’y hindi nabayaran na P3,600 na sweldo.

Ayon kay RR, tama lang ang naging pasya ni Janella na hindi sumagot sa show ni Tulfo, at mas mabuting dalhin aniya ito sa korte.

“Yes I believe hindi responsibilidad ng isang tao na dapat sumagot kay Tulfo! Kaya may lawyer at hearing!!!” ayon kay RR.

Saad niya pa, hindi naman batas si Raffy Tulfo at mas mabuti raw na idaan sa tamang proseso ang reklamo ng P.A. ni Janella.

“May batas kaya dun tayo sa tamang proseso. Tulfo is not batas! It’s a show for helping and humilliating a person!!!” giit pa ng dyowa ni retired PBA star JJ Helterbrand.

Hindi pa natapos sa patama si RR sa show ni Raffy, at sinabing nagiging ‘comedy show’ na umano ang programa nito.

“Ang nakakasad pa, it’s becoming a comedy show sa madaming tao. Lalo na sa mga taong chismosa at mga sadista (Sadista dahil enjoy na enjoy sila na may taong napapahiya),” saad pa ni RR.

“May mga taong they want to solve a problem na hindi involve ang camera. Privacy ang tawag dun,” banat pa ng aktres.

View this post on Instagram

Such a Clever person!!! Go girl!!!! Yes I believe hindi responsibilidad ng isang tao na dapat sumagot kay Tulfo! Kaya may lawyer at hearing!!! May batas kaya dun tayo sa tamang proseso. Tulfo is not batas! It’s a show for helping and humilliating a person!!! Dahil sa kabila ng pagtulong ng isang tao, meron naman isang tao na, nahuhumilliate (nabubully sa socmed). Mali man ng isang tao yan, hindi kailangan iinvolve ang media para lang malaman at pagpyestahan at pagtawanan ng buong mundo yung taong nakagawa ng mali… Kahit ano pang mali ng tao hindi nya deserve to be put in that show. . . Ang nakakasad pa, it’s becoming a comedy show sa madaming tao. Lalo na sa mga taong chismosa at mga sadista (Sadista dahil enjoy na enjoy sila na may taong napapahiya)😅 Kung affected ka, malamang isa ka sa tinutukoy ko🤔🤪 . . Let’s say ofcourse some people deserved to be put in that show, kasi may mga abusado talaga pero again sa aking paniniwala, mali man sila hindi nila deserve to be in that show para mahumilliate. May mga taong they want to solve a problem na hindi involve ang camera. Privacy ang tawag dun🥵 . This is my opinion walang paki alaman😅🤪🤪

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez) on

RP

Leave A Reply

Your email address will not be published.