Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Shot puno Barbie’ Diego, Franki relasyon buking sa IG

0 242

‘Tara, shot puno!’ ‘Yan ang agad na reaksiyon ng mga netizen, na patungkol kay Barbie Imperial, dahil sa mga kumalat na photo ng ex-boyfriend niyang si Diego Loyzaga, at former Pinoy Big Brother housemate Franki Russell.

Biglang-bigla nga ay naglabasan ang mga photo nina Franki at Diego sa mismong Instagram story ng una. Pero, ilang minuto lang ang nakalipas, bigla ring nawala lahat.

Pero, sadyang may mga netizen na mabilis mag-click, at `yun na nga, na-capture nila ang mga photo ng dalawa, na sweet na sweet, at obyus naman na may namamagitang relasyon sa kanila, base lang sa titigan, lambingan nila.

Sa unang larawan ay nasa dagat ang dalawa, na hawak ni Diego ang pisngi ni Franki, habang akbay rin nila ang isa’t isa. Sa second photo ay magkaharap na naman sila. Sa third photo ay selfie naman. Sa fourth photo ay nasa dagat pa rin sila, at matindi ang titigan, lambingan. May photo rin na kumakanta silang dawala, at iba rin ang titig ni Diego kay Franki, na puno ng pagmamahal.

At sa last photo ay nagpapa-tattoo nga si Franki at hawak–hawak siya ni Diego.

Anyway, 5-days ago ay nag-post si Franki ng larawan niya na kita ang tattoo sa tagiliran niya na ‘tadhana’. At mensahe kaya niya `yon sa sitwasyon nila ni Diego ngayon?

“Tadhana: What’s meant to be will always be, and if it is, the universe ang gagawa ng paraan. This has always been my favorite Filipino word and has so much meaning to me.

“Maraming salamat kuya Tajh Molina Ponce. sobrang mahal ko ang una kong tattoo.”

Anyway, dumagsa ang tukso kay Diego, na kesyo mahilig daw ito sa mga taga-PBB, ha! At obyus na mahilig din ito sa mga mestisahen.

Maraming tukso na ang bilis magpalit ni Diego ng dyowa, ha! Well, you can’t blame him, at walang masama dahil binata naman siya.

Teka, may karapatan ba si Barbie na magalit? Well, hiwalay na sila, bago pa man siguro nagkadyowa si Diego.

At mukhang naka-move on na rin naman siya sa hiwalayan nila. Panay na rin ang rampa niya sa kung saan-saan.

‘Yun nga lang, kung babalikan mo ang chikahan ng press sa kanila, may mga pahiwatig na sila noon na silang dalawa ang magkakatuluyan, dahil taglay raw ni Barbie ang katangian ng isang mabuting asawa, ina, ayon kay Diego.

So, anyare? (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.