Una sa Balita

Shopee, Lazada hinarang sa pagbenta ng gamot

0 352

IPINATAWAG ng Department of Health (DOH) ang mga opisyal ng Lazada at Shopee matapos silang makatanggap ng ulat na nagbebenta sila ng gamot sa internet kahit walang kaukulang permiso.

Namumurong patawan ng parusa ang dalawang online seller at isa pang pharmacy sa Iloilo kapag hindi sila nakapagbigay ng maayos na paliwanag sa DOH.

Ayon kay Health Usec. Eric Domingo, pinagbabawal nila ang pagbebenta ng gamot online dahil hindi sila nakakasiguro kung saan ang source ng gamot.

“Hindi natin nako-control kung saan nangga­ling, kung ano ang source ng mga botikang itong nagbebenta online,” ani ni Domingo.

Binanggit pa ng opisyal na may regulasyon sa bentahan ng pharmaceutical products at ang mga pharmacy lamang ang iniisyuhan na magbenta ng gamot.
Sinabi pa ni Domingo na kahit na ang mga pharmacy na pinayagan na kumuha ng order online, bawal naman itong i-deliver sa kanilang customer dahil kailangan itong kunin mismo sa botika.

“We will file cases against companies that sell drugs without license,” babala ni Domingo.

Sinikap ng Abante na hingan ng komento ang Lazada at Shopee pero nabigo ang pahayagan. Gayunman, tinanggal na nila ang advertisement sa online sale ng gamot.

Nagbigay na rin ng babala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko hinggil sa panganib ng mga gamot na nabibili online.

“Buying medicines over the internet can pose serious health risks. You will never know what e­xactly you’re getting even if the medicines both online looks the same: there is no guarantee that it is genuine, a medicine bought online may contain no active ingredient, too much or too little of active ingredient, which my result to you condition not being treated correctly,” diin ng FDA.

Idinagdag pa ng FDA na hindi rin pinahihintuluan ang pagbebenta ng gamot online. (w/PNA)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy