Una sa Balita

Shooting ni Erik Matti sa Taal nabulilyaso

0 312

Inilipat na sa Pampanga ang location ng remaining shooting days ng On The Job 2 ng ­Reality Entertainment.

Originally, sa bayan ng Taal ang ­unang lokasyon nito. Eh dahil sa ­biglaang pumutok ang bulkang Taal, nabulilyaso ang orihinal na plano ni Direk Erik Matti.

Isa ang bayan ng Taal sa ­binisita ng kinabibilangan ­naming grupo, ang Fire Trinity ­Volunteers Brigade, Knights of Columbus Council 5774 at Holy Name ­Society-Balic-Balic Unit nu’ng Sabado upang mamigay ng relief goods.

Ghost town na ang ba­yan na ito dahil inilikas na ang mga tao dahil sakop ito ng 14 kilometer ban ng gobyerno. Malinis-linis na ang bayan na dinale rin ng ashfall. Suwerte kami’t walang lindol ­kaming narasanan nang dumating kami.

‘Yung historical church ng Taal eh, ­nabusahan din ng mga abo at ‘yung munisipyo ay ganun din.Pinapayagang bumalik sa kanilang bahay ang mga residente sa umaga lang pero sa gabi eh bawal silang umuwi.

Ang Imperial Hotel & Resort ni Mother Lily eh napuno ng ashes ang kanyang swimming pool ayon sa isa niyang staff. Pero wala namang major damage sa structures na nakatayo sa resort.

Nakakaiyak tingnan ang mga residenteng pumipila sa relief goods. Eh natutuwa naman si Taal Mayor Pong Mercado, dating trust man sa production ni Mother Lily, sa buhos ng tulong na personal na pinamamahalaan niya.

Ilan pa sa binisita ng aming grupo ay sa Bauan, San Luis at Santo Tomas.
Nakakapagod pero nakakatuwa ang pagtanggap ng mga nasalanta sa mga taong ­nagbibigay at sa salita nilang, “Sa­la­mat po!” ay nakatataba ng puso!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More