Una sa Balita

Shooting incident sa Florida airport, 5 patay!

By
0 0

Lima ang patay at walo ang sugatan sa pamamaril ng isang lalaki sa loob ng Fort Lauderdale-Holyywood International Airport sa Florida, U.S.A.

Sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, isang lalaki na may US military I.D ang nag-check in ng baril sa palipa­ran at walang habas na namaril sa baggage carousel ng airport.

Sinabi ng mga saksi na tahimik ang suspek habang isinasagawa ang pamamaril gamit ang .9mm pistol.

Nang maubusan umano ng bala ay kaagad itong dumapa at doon na ito sinunggaban ng mga nakapalibot na airport police.

Sa tanggapan ng Transportation Security Administration ay kinilala ang suspek na si Esteban Santiago, 26-anyos at inaalam pa kung aktibo pa itong sundalo.

Pansamantalang isi­nara ang airport at nagsasagawa na rin ng imbestigasyon para alamin kung may kinalaman sa terorismo ang pamamaril.