Una sa Balita

‘Shoot on sight’ ipinag-utos ni Duterte dahil sa travel advisory ng US

By
0 6

Naglabas ng ‘shoot on sight’ order si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga terorista tulad ng Abu Sayyaf Group (ASG) at iba pang grupo na maiispatan sa probinsya ng Palawan.

Ito ang tugon ng Pangulo sa inilabas na travel advisory ng Amerika at United Kingdom (UK) dahil sa banta umano ng terorismo sa bansa.

Inatasan ni Duterte ang mga militar at pulis na agad bakbakan ang mga makikitang terorista sa Palawan, para matapos na ang problema sa terorismo at panggugulo ng mga bandidong grupo.

Sa abisong inilabas ng US embassy nitong Martes, may natanggap umano silang ‘credible information’ na target ng mga terror groups ang pagkidnap sa mga banyagang turista na nasa Puerto Princesa City at iba pang lugar na nasasakupan ng Puerto Princesa Subterranean River National Park sa Palawan.

Target ng mga terorista ang matataong lugar tulad ng sporting events, theaters, public markets, mass transportation systems tulad ng airlines, mga matataong nightclubs, shopping malls, bus terminals at iba pang pampublikong lugar.

Ang embahada naman ng UK unang naglabas ng travel advisory sa kanilang mamamayan na doblehin ang pag-iingat dahil sa banta ng ASG sa Bohol