Una sa Balita

Shhh… itigil na ‘yan!

By
0 2

Nagmistulang pamatay-sunog kahapon ang isang opisyal ng Malacañang sa ‘apoy’ na nilikha ng pagkakasibak sa trabaho ng isang undersecretary.

Sa kabila ng pagkakatanggal sa kanya sa trabaho, patuloy na humihirit si Cabinet Undersec. Halmen Valdez kay Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang posibleng sindikato sa National Food Authority (NFA).

Sinibak ni Pangulong Duterte si Valdez dahil sa pagpupumilit diumano nito sa isang “rice importation scheme” na ikaaagrabyado ng mga magsasaka. Sinasabi rin na naging instrumento si Special Assistant to the President Bong Go sa pagkakasipa kay Valdez.

Dahil dito, umusok ang ugong na lumalalim diumano ang hidwaan nina Go at Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. dahil sa trusted official ng huli ang tinanggal na undersecretary.

Ayon naman kay presidential spokesperson Ernesto Abella, marapat lang na ibaon na ang mga isyung inuungkat ni Valdez, lalo na ang pandadamay niya sa ibang tao.

“Continued elaborations on the matter implicating others are bordering on the malicious and should now be laid to rest,” giit ni Abella.

Nanindigan pa ang tagapagsalita ng Pangulo na sinibak si Valdez dahil sa pagpupumilit nito sa rice import permit at hindi dahil sa pinag-initan siya ng isang paksyon sa palasyo.