Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sheryn inabuso ni Vin, nasarapan

0 180

Kilig na kilig si Sheryn Regis habang kinukwento ang experience na makatrabaho si Vin Abrenica, ang naging co-star niya sa music video ng latest single niyang “Gusto Ko Nang Bumitaw,” kung saan ang dami nilang intimate scenes.

“Hindi talaga ako bumitaw sa six-pack niya! Ang galling-galing! Napakabango. Oo, in fairness, napakabango niya,” masayang chika ni Sheryn sa momshies ng programang “Magandang Buhay.”

Puring-puri pa ni Sheryn ang husay ni Vin bilang aktor. Tungkol kasi sa isang abusive relationship ang kanta kaya nagtulungan daw sila ni Vin sa mga eksena para magmukhang may malalim siyang pinagdadaanan.

“Ang galing niyang actor kasi na-motivate niya ako and then we motivated each other sa acting. Kasi sabi ko ‘saktan mo ako’ para ma-feel ko talaga ‘yung sakit,” sey pa ng singer-songwriter.

“Kasi sa music video ito yung parang may domestic violence, and parang may nasaktan and then pwersado na sa buhay na… At first ang ganda, ganda, okay ‘yung relationship until it became toxic. Kumbaga ito ‘yung sinabi ko na ‘sigawan mo ako, ganun, para ma-feel ko talaga ‘yung sakit,’” sabi niya.

Busy ngayon si Sheryn sa mga preparasyon para sa upcoming concert niya sa October 23 na “Love United” sa KTX.ph, iWantTFC, at TFC IPTV. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.