Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sheryn binasura ng dyowa

0 165

Super relate ang Crystal Voice of Asia na si Sheryn Regis sa bago niyang Star Music single na “Tulad ng Dati,” na tungkol sa ghosting o bigla nalang iniwan sa ere ng dyowa.

“Actually naka-relate ako at nangyari na sa akin na ghinost ako. ‘Yung akala ko meron pa, tapos natanong ko sa sarili ko, ‘ano ba kasalanan ko? Bakit bigla na lang walang text?’ Naka-sampu na akong tawag, hindi pa rin ako sinagot. Akala ko kami pa, pero wala na pala. Biglang wala lang, wala man lang explanation,” sabi ng singer sa online show na “Hotspot.”

Pero dahil sa karanasan niyang iyon, natutunan niyang mag-move on at bigyan ng halaga ang sarili, kaya ito rin ang payo niya sa mga nabigo rin ang puso.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Move on. Love yourself, respect yourself. Isipin mo, may nagmamahal pa sayo hindi lang ang taong ‘yan. We cannot avoid the pain and heartache. You can cry, tapos kapag wala na ‘yun, you can pray na mabigyan ka ng courage to really move on… I need to be selfish too and I have to love myself,” saad ni Sheryn.

Napapakinggan ang “Tulad ng Dati” sa Spotify, Apple Music, at iba pang digital platforms worldwide. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.