Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sheryl inilantad ang pagmamahal kay Jeric

0 1,711

Mas lalong tumindi ang sitsit tungkol kina Sheryl Cruz at Jeric Gonzales dahil sa pinoste nitong video birthday greetings sa Instagram para sa aktor.

Pinagkaabalahan ni Sheryl na i-edit ang video at lagyan ng mga subtitle ang ilang larawan na magkasama sila ni Jeric.

Sa photo na magkayakap sila ay nilagyan niya ng subtitle na: “Happy birthday Jeric and more power to you. Keep safe and God bless you always. Mananatili, Sheryl.”

Sa kasunod na frame ay makikita na dumadampi ang mga labi ng aktres sa balikat ni Jeric, habang nakaangkla sa aktor.

“#HappyBirthdayLakersBoyFromDubsGirl,” ang sabi pa ni Sheryl.

Kinilig at aprubado ang mga fan kina Sheryl at Jeric. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.