Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sheryl ‘di pinagsalita sa burol ni Susan

0 506

Sa halip na sa mismong wake sa Heritage ng Queen of Philippine Cinema na si Susan Roces nagbigay ng kanyang eulogy si Sheryl Cruz, sa loob na lang ito ng bahay niya nag-video at nag-post sa Instagram.

Marami ang naawa kay Sheryl sa narinig na mensahe ng pasasalamat at pamamaalam niya sa kanyang Mama Inday. Pero marami rin ang nagtatanong, “bakit hindi siya nakapagbigay ng eulogy sa mismong wake?”

Ang naaalala lang ay ang naging tila tampuhan o sa pagitan nila noong tumakbo sa pagka-Presidente si Senator Grace Poe at may mga nasabi sa press si Sheryl na tila against dito. Kaya ang tanong pa rin, “Hindi pa rin ba sila okay after that?”

Ang nakarating sa amin, okay na raw sina Sheryl at ang namayapang actress. Nagbibigayan na rin sila ng mga pagkain.

At alam din namin, isa rin si Sheryl kasama ang buong pamilya na pinatawag sa hospital ilang oras bago binawian ng buhay ang kanyang Mama Inday.

Anyway, known sa lahat na malapit talaga sa isa’t isa sina Ms. Susan at Sheryl at literal na para na niya itong pangalawang ina. At dahil hindi nga nakapagbigay ng kanyang eulogy sa mismong wake at sa harap ng labi ng kanyang tiyahin, sa Instagram na lang niya ito nag-post ng video.

Part ng eulogy niya, “People have been asking why I am not able to speak as a blood relative of my Mama Inday in her ongoing wake of my Mama Inday at her ongoing wake, knowing the bond that we share as she is the eldest sister to my biological mother, Rosemarie Sonora.

“Since social media is the only platform where I can able to express what my Mama Inday means to me and my family.”

Sabi pa niya, “Feeling her motherly love is a blessing to me and a treasure meant only for me and no one can steal.”

Umabot ng 10 minutes ang open eulogy ni Sheryl para sa kanyang Mama Inday. (Rose Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.