Sherlock madalas kumustahin ni Alden kay Ruru

By

Tanggap na tanggap ni Ruru Madrid ang katotohanan na second choice siya bilang bida ng Sherlock Jr., ang upcoming primetime teleserye ng GMA 7 na para talaga kay Alden Richards.

Taos-puso ang pasasa­lamat ni Ruru sa GMA 7 at kay Alden dahil ipinagkatiwala sa kanya ang show.

Maligayang-maligaya si Ruru dahil nabigyan ito ng television assignment na siya ang bida.

Natutuwa si Ruru dahil sa tuwing nagkakausap sila ni Alden, kinukumusta nito ang teleserye na pinagbibida­han niya.

“Sobrang natutuwa rin siya for me,” ang sabi ni Ruru na kasama rin sa cast ng Meant To Beh, ang official entry ng Octoarts Films sa Metro Manila Film Festival 2017.

SHARE