Una sa Balita

Sherlock Jr. malupit ang pagwawakas

By
0 3,213

Hindi lang daw ang co-stars niya ang nagpapasaya kay Andre Paras kapag nasa set ng Sherlock Jr. Para kasi sa kanya, enjoy siyang gawin ang GMA Primetime series dahil sa epekto sa kanya ng kanyang role bilang si Pido.

Aniya, dito niya napapakita ang tunay niyang ugali bilang isang kaibigan dahil best friend ni Jack (Ruru Madrid) ang ginagampanan niya. Dagdag pa nito, napapa-relax siya ng kanyang karakter bilang pulis dahil sa mga ginagawa nila rito para makamit ang katotohanan. Natutuwa rin daw siya na ang layunin ng programa ay maging inspirasyon sa mga kabataan ngayon kaya naman mas inspired ang Kapuso actor na pagbutihan pa ito. Keep up the good work, Andre!

Samantala, ‘wag palampasin ang mga susunod pang eksena ng Sherlock Jr. lalo na ang nalalapit na petmalung pagtatapos nito.

Kyline, Jeric tandem patok sa mga fan

Dahil patok ngayon ang tandem ng Kapuso stars na sina Kyline Alcantara at Jeric Gonzales, hindi na kagulat-gulat na nag-hit agad sa internet ang ginawa nilang cover ng Kanlungan, ang OST ng Primetime series nila sa GMA na Kambal, Karibal. Matapos kasing i-upload ito ni Kyline sa kanyang YouTube channel, libo-libong views agad ang naipon nito sa loob lamang ng isang araw. As of writing, meron na nga itong halos 40,000 views.

Ayon sa mga fan, maganda ang chemistry ng dalawa sa pagkanta dahil swak ang talent nila sa isa’t isa — si Kyline na may malamig na singing voice at si Jeric na talaga namang mahusay sa pagtugtog ng acoustic guitar.

Dagdag pa nila, perso­nal favorite ng karamihan ngayon ang cover nilang ito dahil na-highlight ang pagiging total performer ng dalawa.

Nora, Cherie nakakatakot ang tapatan

Excited na ang mga fan ng upcoming series ng GMA na Extraordinary Love dahil sumabak na sina Superstar Nora Aunor at Cherie Gil sa kanilang first scene together. Marami ang curious sa kung anong klaseng paghaharap ang magaganap sa kanila kaya naman kanya-kanya na silang countdown sa pagsisimula nito.

Pero para kay Ate Guy, natutuwa raw siya ng muling makatrabaho ang premyadong kontrabida dahil bukod sa napaka­galing nitong artista ay napakabait din. Dapat daw na abangan ang kanilang nakakatakot na tapatan sa serye. Si Cherie naman, excited na dahil matagal na niyang hindi nakatrabaho ang beteranang aktres.