Una sa Balita

Shellfish ban dahil sa red tide

By
0 220

Pansamantalang ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang paghuli at pagkain ng mga shellfish dahil sa pagkakaroon ng red tide toxins sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Partikular ang mga lalawigan ng Masbate, Samar, Leyte, Iloilo, Palawan, Negros Oriental at Davao Oriental ang apek­tado ng paralytic poison.

Ayon sa advisory ng BFAR, nagpositibo sa red tide toxins ang mga shellfish sa lugar matapos ang pagsusuri na umano’y lagpas sa regulatory limit.

Kabilang sa mga lugar na ipinagbawal na mangu­ha ng shellfish ay ang coastal waters ng Mandaon at Placer sa Masbate; Irong-Irong, Marqueda Bay at Villareal Bay sa Western Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Carigara Bay sa Leyte; Balite Bay, Mati sa Davao Oriental; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; Inner Malampaya Sound, Taytay at Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan; Coastal waters ng Gigantes Island, Carles sa Iloilo at Coastal waters ng Daram Island sa Western Samar.

Dagdag pa ng BFAR, nagpositibo rin ang baybaying dagat ng Daram Island sa Western Samar sa red tide toxin.

Samantala, ligtas na sa nakalalasong red tide ang bayan ng Milagros sa Masbate; Juag Lagoon sa Matnog at Sorsogon Bay sa Sorsogon; Cavite, Las Piñas, Parañaque, Navotas, Bulacan at walong bayan sa Bataan; limang lugar sa Pangasinan; Eastern Samar; Western Samar; Leyte; Biliran province; Zamboanga del Sur; Zamboanga Sibugay; Zamboanga del Norte at Misamis Occidental at Surigao del Sur. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy