Una sa Balita

Shell, Petron may ₱1 rollback sa produktong petrolyo

By
0 744

Matapos ang sunod-sunod na oil price hike, nagpatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang dalawa sa tinaguriang ‘Big 3’ sa industriya ng langis sa bansa na epektibo ngayong Linggo.

Pinangunahan ng Shell Philippines at Pet­ron Corporation ang oil price rollback na P1.20 kada litro ng gasolina, P1.00 kada litro ng kerosene at P0.90 naman sa kada litro ng diesel na epektibo ngayong alas-sais nang umaga.

Inaasahan na susunod na rin maglalabas ng anunsiyo ang iba pang kompanya ng langis sa pagpapatupad ng bawas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga.
Ang ipinatupad na rollback ay bunsod umano ng patuloy na paggalaw ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan.

Huling nagpatupad ng rollback ang mga kompanya ng langis noon pang Mayo 8 na P0.30 kada litro ng ga­solina, P0.30 sa diesel at P0.60 kada litro sa kerosene.