Una sa Balita

Sheila Mae umaapaw ang tiwala sa sarili

By
0 222

Si Sheila Mae Malaga, 18 years old, ang candidate #5 na isa sa mga magpapasiklab sa Abante Babe, Ganda Mo, Teh!

Palaban sa taas na 5’4” at sukat na 33-23-34. Siya ay taga-San Jose, Rodriguez, Rizal, kasalukuyang Grade 12 student ng San Jose Litex Senior High sa kursong Humanities and Social Science.

Nanalo nang Ms. San Jose Senior High School 2018 at 2nd runner up sa Binibining San Isidro si Sheila at hobby niya ang modeling at maglaro ng volleyball.

“I’m witty at mayroon akong 101 self-confidence,” ang pagmamalaki ni Sheila na panlaban niya sa ibang kandidata ng Abante Babe.

Pangarap niyang maging beauty queen gaya nina Catriona Gray at Pia Wurtzbach.

Sa mga gustong sumali para maging Abante Babe para sa buwan ng September, ipadala ang inyong close up at whole body picture, biodata sa roldancastro2015@gmail.com, 18 to 28 years old, 5’3” pataas.

Para iboto si Sheila Mae, Abante Babe #5, gupitin lang ang article na ito (70% ang katumbas) at lakipan ng logo ng Abante na may petsa, lagyan ng pangalan ng nagpadala, address at telepono.

Ipadala ito sa Abante office sa 3rd floor Karrivin Plaza Building, 2316 Chino Roces Avenue Extension, Makati City. Puwede ring sumadya sa opisina at ihulog sa drop box.

May sorpresang premyong nakalaan sa mabubunot na Abante reader buwan-buwan at may tsansa makapanood sa grand coronation. Mahigpit na ipinagbabawal na lumahok ang mga empleyado at kamag-anak ng PRAGE Management Services hanggang sa second degree of consanguinity.

Puwede ring mag-like online sa kanyang photo para sa karagdagang puntos (30%). Bisitahin ang Abante Facebook Page, AbanteTNT sa Instagram.
Para masilip ang ibang larawan ni Sheila Mae, dumalaw sa website na www.abante.com.ph.