Una sa Balita

Sheena wagi sa pangongopya kay Sarah

By
0 2,372

Sumabay sa usapang Sarah Geronimo ang pagkakapanalo ng dating Tawag Ng Tanghalan at Dance Kids contestant na si Sheena Belarmino kung saan ay siya ang kauna-unang weekly winner sa kasisimula pa lamang na Your Face Sounds Familiar Kids noong Linggo.

Isang bonggang Sarah Geronimo performance kasi ang ipinakita ni Sheena kung saan napili niya ang kantang Tala.

Todo-bigay siya sa kanyang performance na napanganga ang judges na sina Sharon Cuneta, Gary V, at Ogie Alcasid.

Abante Hiring – IT dep

Unang bungad pa lang niya ay akala mo ay si Sarah G. na ang magpi-perform dahil kuhang-kuha niya ang looks nito, e, di lalo na nung bumanat na siya ng kanta at kumilos na.

Siya talaga ang may pinakabonggang paandar kaya nga hindi nakapagtataka na inuwi nga niya ang titulo para sa unang lingo.

Sabi nga ni Sharon, hindi lahat ng magagaling kumanta ay maganda ang boses. At si Sheena nga raw ay magaling na, maganda pa ang boses.

Ayon naman kay Ogie, bagay sa kanya ang titulo ng kantang Tala dahil siya ay isang star dahil sa husay nga niya.

Maging sa Gary V ay ipinagmalaki na nasa mabuting kamay daw sila dahil sa katulad niyang magaling na artist.

Maricel, Bea, Gerald, Maja, Richard, Dawn mapagbigay sa ABANTE

Video greetings pa lang para sa 31st anniversary ng Abante, Una sa Balita, Ang Tunay na Tabloidista ay excited na ang ating mga kilalang celebrities. Kahit hindi namin personal na nakausap ang Pambansang Bae ng Pilipinas na si Alden Richards ay agad itong nagpadala ng kanyang greetings through direct messaging.

Ganun din ang Kapuso actor na si Jeric Gonzales at ang La Nueva Kontrabida na si Kyline Alcantara. Ang Kapamilya actress naman na si Janella Salvador na kahit nagmamadali na umalis sa presscon ng So Connected ay talagang nag-video greet muna para sa atin.

Video greetings pa lang’yan, ha!

Eh, ano pa kaya kung mag-i-interview pa telling them na nagsusulat ka sa Abante?

Aba, mabilis pa sa alas-kuwarto silang uupo para makatsikahan dahil alam nilang very credible ang diyaryong ito na talaga namang binabasa ng mga tao from all walks of life.

Ang Star For All Seasons nga na si Ms. Vilma Santos na sa isang phone patch interview na kung saan ay binanggit namin noon na May kolum kami dito agad niyang sabi na, ‘Okey ‘yan, nagbabasa ako niyan ‘kaya hindi na siya tumangging makipagkuwentuhan sa telopono.

Si Maricel Soriano naman, noong nasa group interview kami with bloggers para sa Ang Dalawang Mrs. Real, nagsabi na talagang Abante lang daw ang kilala niya sa mga pinagsusulatan ng mga mag-in-interview sa kanya, kaya siyempre, feeling proud kami.

Maging ang ibang artista katulad nina Bea Alonzo, Maja Salvador, Gerald Anderson, o kahit pa si Richard Gomez o Dawn Zulueta, kapag alam nilang sa Abante ka nagsusulat, nakangiti kaagad dahil alam niyang hindi sila malalagay sa alanganin.

Eh, si Mother Lily Monterverde nga na pihikan sa mga diyaryong binabasa, basta banggitin mo lang ang Abante ay tatahimik na lang siya at ngingiti. Na ang ibig sabihin ay okey sa kanya.

Ang dami pa actually na anecdotes tungkol sa aming karanasan na mga artista bilang isa sa hanay ng mga manunulat ng top tabloid na ito na karamihan ay nakakataba ng puso, kaya ang tanging masasabi namin ay proud to be part ng solidong pamilya na ito sa gitna ng maraming pagbabago sa larangan ng print and newspaper industry.

‘Yun na!