Una sa Balita

Sheena ‘di kayang mahiwalay kay Jeron

0 355

One year na ang engagement ni Kapuso actress Sheena Halili sa non-showbiz fiancé nitong si Jeron Manzanero. Last year ay nag-propose si Jeron kay Sheena habang nasa loob sila ng isang movie theater. Nagulat na lang si Sheena nang makita niya sa movie screen ang words na “Sheena, will you marry me?”

Sa Instagram ay pinost ni Sheena last August 14 ang isang anniversary message niya para kay Jeron.

“Masaya siya kapag masaya ako. Masaya ako kapag masaya siya. Okay! Diyan tayo mag simula. Diyan tayo nag simula sa simpleng MASAYA TAYO KAPAG MAG KASAMA. Pareho tayong mag-isa at naghahanap ng makakasama. Pinagtagpo ng tadhana at ngayon ikakasal na. Wala naman tayong ginawa kung hindi maging totoo sa isa’t isa, at i-enjoy lang ang bawat araw na magkasama. Mula ng magka-kilala tayo hindi na tayo nag hiwalay. Hindi mo kaya, at ako parang hindi ko narin kinakaya .. nakaka-miss na! Nakaka-miss ka na.

“Babe, Happy Anniversary. I love you! Ikaw at ako, forever! Masaya ako at kasama pa rin kita!” bahagi ng post ni Sheena.

Para nga raw itong pre-nup photo nila.

(Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy