Una sa Balita

Sharon sobrang aprub sa relasyong KC, Pierre

0 618

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyMahigit sa isandaang porsiyento ang ibinigay na approval ni Sharon Cuneta sa bagong boyfriend ng panganay niyang si KC Concepcion, ang French filmmaker-businessman na si Pierre-Emmanuel Plassart.

Sa Instagram post ni Sharon, makikita ang photo ni KC at Pierre, at ibinida nga ng Megastar ang mga maga­gandang katangian ni Pierre.

Nagpahayag ng kasiyahan si Sharon sa lovelife ng anak.

“My Kristina and Pierre. Not anyone new. The same Pierre we warmly welcomed into our family and circle years ago. I am so happy! @itskcconcepcion,” say ni Sharon.

Sa comment ng isa niyang follower ni-recall ni Sharon ang u­nang pagkikita nila ni Pierre at noon pa lang ay nakita na niya ang pagiging gentleman nito.

@shaneelegisla, “Yes! I think it’s destiny…they are meant to be! And he’s the guy who registered a star in KC’s name…ahh that’s true love right there! This  makes me so happy too @reallysharoncuneta.”

Sagot ni Sharon; “@shaneelegisla, “Yes, that’s the guy. I’ve missed him so much too! We travelled all together to Japan and Thailand too before. We met him and his mom at Pres. Bill Clinton’s 60th – or was it 65th – Birthday party. Sa dami ng tables, sa isang table kaming apat along with a few guests from China, etc. And Pierre, when he came to introduce himself to us, introduced himself to ME first, and waited for me to introduce him to KC. A decent man. I’ve always been comfortable in entrusting KC to him.”

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pumuri nang husto ang Megastar sa isang lalakeng kalarelasyon ni KC. May mga inaprubahan din naman si Sharon sa mga naging boyfriend ng anak pero si Pierre lang ang ibinida niya nang ganito kadetalyado.

Anyways, marami ang natuwa sa lovelife ni KC na mababasa sa iba pang mga comments sa posting na ito ni Sharon. May mangilan-ngilan din naman na nagne-nega pero kinukuyog ito ng mga fan at ilan din sa mga ito ang sinagot ni Sharon.

Alyssa binasura ang amang si Bong Alvarez?

Kumpirmado na ang paglahok ng anak ni Almira Muhlach na si Alyssa Muhlach sa Miss World Philippines 2018.

Nagpadala ng kanyang message si Charlene Gonzales sa Instagram account niya na may full-shot pic ni Alyssa suot ang isang red gown na may slit sa right leg.

Dito sinabi ni Charlene na papasok sa Miss World ang kanyang pamangkin.

Si Charlene ay asawa ni Aga Muhlach na half-sibling sa ama ni Almira.

“Wishing our niece @lyssamuhlach the very best as she enters into a new chapter in her life as an official candidate for the Miss World Philippines 2018.

“She is the daughter of equally beautiful @almiramuhlach. We are proud of you @alyssamuhlach & we are behind you 100%!!! Please also support her in this amazing journey,” sabi ni Charlene.

Si Alyssa ay anak ng dating basketbolistang si Bong Alvarez. Wala kaming ideya kung legally ay tinanggal na sa pangalan ng mga anak ni Almira ang apelyido ni Bong na Alvarez dahil ang Muhlach at hindi na Alvarez ang isinulat ni Charlene para kay Alyssa.

Well, asahang mabubugbog ng mga isyus at panghuhusga si Alyssa dahil sa background ng kanyang ama at sa pagsunod nito ng kanyang surname sa ina, kung totoong tinanggal na nito ang apelyido ng ama.

Malaki ang laban ni Alyssa sa Miss World lalo at tapos siya ng Marketing Communication sa University of Asia and the Pacific. Dating contract artist ng Viva si Alyssa bago ito kumalas muna sa showbiz para mag-aral.

Kumakanta si Alyssa at tumutugtog rin sya nang guitar.