Una sa Balita

Sharon sinita si Gabby sa yakapan kay Lorna

By
0 3,557

Mega react si Sharon Cuneta sa photo na yakap-yakap ni Gabby Concepcion si Lorna Tolentino sa Instagram. Sa IG wall ni Lorna makikita ang photo na ‘yon na kuha sa isang birthday dinner.

“Afternoon drama crossover @concepcion­gabby. Thank you for the family bonding dinner,” sey lang ni Lorna.

Tatlong photos ‘yon at makikita kung gaano ka-close sina Lorna at Gabby na ilang beses din namang nagsama bilang mag-asawa sa pelikula noon.

At ‘yun na nga, sa wall mismo ni Lorna, biglang nag-react si Sharon.

“Hey that’s my ate. And you – you’re – you! Keep your hands off my sister! Hahaha! @concepciongabby @lornatolentinofernandez,” natatawang paeklat ni Shawie.

“I love you Cappy sis!” reaksiyon ni Lorna sa mensahe ni Sharon.

“Love you Ate ko,” sagot naman ni Sharon.

Sharon, Gabby loveteam suportado ni Kiko

Anyway, sunod-sunod din ang pagpo-post ng picture ni Sharon na kasama si Gabby Concepcion sa kanyang Instagram. Mga photo na kasama rin si KC Concepcion na baby pa nga.

May nagtanong kung hindi raw ba nagseselos si Sen. Kiko Pangilinan na puro pictures nila ni Gabby ang laman ng Instagram niya ngayon?

“Naku super secure si Kiko. Supportive!” sagot ni Sharon.

Sa ngayon, super abang-abang na nga ang Shagon-Gabby fans sa commercial na ilalabas na magkasama sila. At muli ngang nabuhay ang fans nilang dalawa, na ang iba ay nasa abroad na nakatira.

Ang cute nga na nag-uusap sina Sharon at Gabby sa harap ng fans nila, o sa IG mismo ni Shawie. At wish nila, umabot hanggang big screen ang pagsasama ng mga idolo nila.

Analyn Barro sa I-Bilib

Pagsasamahin ang science and love ngayong Valentine’s Day episode sa I-Bilib, dahil ang magandang si Analyn Barro ay magbabalik para alalayan sina Chris Tiu, James and Roadfill na mag-experiment on a spiral snake and a D.I.Y. claw machine.

Sa Bilibabols, challengers are faced with balloons and plastic cup in another creative contest. Sa curious about the origins of Valentine’s Day and plastic? We’ll satisfy you with trivia from Curious.

At sa panghuli, Analyn whips out a different kind of Rubik’s cube that doubles as a photo display. All these on your favorite science show every Sunday morning on GMA!