Una sa Balita

Sharon, Richard movie binoykot sa galit kay Kiko

By
0 2,383

Usap-usapan na hindi as expected na malakas ang reunion movie nina Sharon Cuneta at Richard Gomez daw sa first two days nito, pero posible rin naman na nitong weekend, mas pi-pick-up pa ang Three Words to Forever lalo na at base sa mga nakapanood, sobrang relatable raw ng movie lalo sa mga mag-asawa at mga magulang at anak.

Eh, kasabay nito naglalabasan ang diumano’y may mga grupong nagpo-promote na i-boycott ang pelikula. Hindi malinaw na mabuti sa amin kung legit ba talaga ‘yang pangbo-boycott na ‘yan na kesyo ang dahilan daw, dahil sa association nina Sharon at Richard kay President Duterte, huh.

Ang bagong social media influencer na si Lolit Solis ay may take sa isyu.

Sey niya, “Hindi naman ako naniniwala na political boycott daw ang dahilan kung bakit hindi masyadong malakas ang Richard Gomez at Sharon Cuneta starrer.

Talaga namang hindi ka talaga sure sa anuman outcome ng pelikula na inilalabas. Hindi nga ba kaya naloka ang lahat ng ma­ging hit ang Kita Kita, at nagugulat din sila pag ang inaakalang magiging hit nagiging flop?

Kung minsan kasi, may araw na iyon moviegoers tamad lumabas, meron naman days na dagsa sila para manood. Huwag ng isisi sa kung anu-anong factor ang kinita ng isang project, basta isipin lang natin na baka wrong timing lang.

“Iba hinanap ng moviegoers, iba ang timpla ng panahon. Pag maganda naman, as it goes on, lu­malakas bawat araw. Richard Gomez and Sharon Cuneta are stars na hindi kayang itumba ng isang pelikula lang, icon na sila, matatag na ang kinalalagyan nila, so until the next project. Pero now, watch natin pelikula nila, matagal din bago ito nabuo, kaya sayang pag di natin mapanood.”

Ang sinasabing dahilan kung bakit binoykot ng mga die hard supporter ni Pangulong Duterte ang pelikula ay galit ang mga ito kay Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan, asawa ni megastar, na makailang beses na rin inupakan sa mga talumpati ng Pangulo.

Nag-ugat ang mga banat ng Pangulo kay Pangilinan dahil sa inakda nitong batas na pinababa ang edad ng mga batang hindi puwedeng makulong kahit nakagawa ng mabigat na krimen.

Tinawag pa ng Pangulo si Pangilinan na ‘pinakabobong abogado’ dahil sa naturang batas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More