Una sa Balita

Sharon puspusan sa pagpapaseksi

0 385

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyDesidido si Sharon Cuneta na balikan ang alindog na napabayaan niya ilang taon na ang nakakaraan. Nag-post si Sharon ng throwback photo niya kung saan nakalitaw ang malusog niyang dibdib sa suot niyang damit.

Hindi sinabi ni Sharon sa kanyang Instagram post kung kailan ang nasabing larawan pero nagparamdam ito na ganito ang ina-achieve niyang figure sa mga darating na mga buwan.

Para ipaalam sa kanyang mga follower, itinabi ni Sharon ang current photo niya na naka-sweatshirt at ang nasabing throwback picture para ipakita ang mala­king ipinayat ng kanyang pigura.

Sa pamamagitan ng repost mula sa @inspiredbysharoncuneta, ipinagmalaki ng megastar sa caption ang napansin ng kanyang mga fan na malapit na nitong makuha ang dating fi­gure.

“There ya go! #repost@inspiredbysharoncuneta with get_repost.

“Oh my gosh ate!!! You are almost there na nga!!!! The shape of your face is actually back na.  I am so happy for you because you really want this. But please know that I will always love you no matter what size or shape you are. Your heart matters the most to me.  I miss you ate @reallysharoncuneta, #willpower #balikalindogsimega #SharonCuneta #ILoveYouAlways.”

Ang sumunod na video ni Sharon ay ang pagpapa-treatment niya sa clinic ni Dr. Ivee para sa contouring at iba pang procedures.

Well, palagi ngang biro ni Sharon na gusto niyang maging bold star kaya puspusan ang pagpapaseksi niya.

Anak ni Pokwang recording artist na

Bumibida nang husto sa social media ang anak ni Pokwang na si Malia na ngayon ay mayroon na ngang music record. Nakabalandra sa Instagram wall ni Pokwang ang sunod-sunod na video at photo ng anak kasabay ng pagpu-promote niya ng single nito, ang “Malia Malia.”

“Ang pinaka-cute na song this 2019! ‘Malia Malia’ by Malia feat. Pokwang out now on digital music platforms,” sabi ni Pokwang.

Maririnig sa video ang mixing ng melody at ang baby murmurs o baby sounds nito, na may boses ni Pokwang. Nilagyan ng music ang baby sounds ni Malia at in-edit ito nang husto para magkaroon ng upbeat flavor.

Naungusan nang todo ni Malia ang ibang mga celebrity social media babies dahil sa music single nito.

Tunay ngang star ang anak na ito nina Pokwang at Lee O’Brian sa hashtag ni Pokwang bilang #StarPop #StaPopKids.”

Jericho pinaiyak si Christian Bables

Umaapaw na kaligayahan ang naram­daman ni Christian Bables nu’ng purihin ni Jericho Rosales ang dedikasyon at husay niya sa serye nilang “Halik” na magwawakas na sa ere.

Sa panayam namin ni Dondon Sermino kay Christian para sa “Aban­telliling” kamakailan lang, ipinaliwanag nitong hindi niya inaasahan ang mga complimentary remark sa kanya ni Jericho.

Sabi nga ni Christian, nakakataba ng puso ang purihin siya ng isang lead actor na mahusay sa ac­ting. Naiyak siya sa presscon habang dini-describe ni Jericho ang kanyang kakayahan, dahil nu’ng tanggapin niya ang seryeng “Halik” ay may pinagdadaanan talaga siya.

Ito ‘yung isyu sa kanila nina Direk Perci Intalan at Jun Lana, kung saan nagtampo ang mag-asawa sa kanya nang magdesisyon siyang kumalas sa “Born Beautiful” series na naging pelikula at si Martin del Rosario ang ipinalit.

Kumbaga, suntok sa buwan ang pagtanggap niya sa “Halik” na ang ibig sabihin ay hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanyang karera. Kaya nga nang purihin siya ni Jericho, naging emosyonal siya dahil may pinatunguhang maganda ang pagtanggap niya sa project.

Malaki ang pasasa­lamat ni Christian kay Jericho sa tulong at support na ibinigay sa kanya nito bagama’t baguhan pa lang siya sa industriya.

Mapapanood ang kabuuang interview namin kay Christian sa “Abantelling” Facebook page na Abante News Online, Abante Tonite at YouTube channel.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy