Una sa Balita

Sharon puno ng hinanakit kay KC

0 569

Inilahad na ni Sharon Cuneta sa kanyang open-letter post para kay KC Concepcion ang totoong sitwasyon nila, na malayo nga raw ang loob nito sa kanya at sa pamilya niya.

Hindi na nagawang itago ni Sharon para ipaabot kay KC ang nilalaman ng kanyang puso at iparamdam dito ang malaking pagmamahal at malasakit sa anak.

Nagsimula ang mahabang open-letter ni Sharon kay KC mula sa apology post ni KC sa ina sa hindi niya pagsulpot sa birthday celebration ng Megastar sa “ASAP” nitong nakaraang Linggo.

Inilakip ni Sharon ang post ni KC sa throwback photo nila at ang paghingi nito ng sorry sa ina. Sagot ni Sharon sa mensahe ni KC:

“My dearest Kristina, thank you for posting this. I would have loved it most if I could have had a tight hug and heard a ‘Happy Birthday, My mama. I love you’. Or a beautiful heartfelt card like those you used to write me. Or a phone call. I even would’ve settled for a private text message. But I guess this came after my Birthday Celebration on A.S.A.P last Sunday when I became more emotional because you, my eldest, weren’t there. I do not even have an idea where you are. I usually don’t.”

Sa puntong ito nalantad na walang alam si Sharon sa kinaroroonan ng anak at kung ano ang ginagawa nito.

“I follow you on IG of course but as your Mama I wish I didn’t have to find out where you are or what you’re doing at the same time as public does.

“I haven’t really known for years now what have been going on with you, in your life, in your heart. I would think that the first person you would talk to would me your mama.”

Ramdam ni Sharon ang paglayo ni KC sa kanila.

“I feel that you have distanced yourself from us who truly love you, when we all hunger for our family to become complete. We are six in the family, my baby. And we are only five, I never feel complete.

“Since childhood until the death of Tatay, and then Mita, I have NEVER spent a Christmas Eve, Christmas Day, or any of their birthdays away from them.”

Isa pa sa mga rebelasyon ni Sharon ay ang mga hindi pagpapakita ni KC sa mga importanteng okasyon sa kanilang pamilya.

“Sa pamilya natin, dapat sinasalubong ang Pasko at Bagong Taon ng magkakasama. At sana ang mga mahahalagang okasyon lalo ang mga milestones like Kakies High School graduation, kumpleto tayo.

“Family is all that matters, Tina. Even your Papa, Gabby, has always been a good son and brother.

“You have embraced your half-sisters on your Pa’s side, Cloie and Gary, and are close to them.

“I know you have love Kakie, Yellie and Gugie. Especially since you all came from my tummy, your first home, and Gugie was sent from heaven above.

“But they hunger for their Big Ate’s Love. Your protection if and when they are bullied or mistreated, you loving ear when they need from their Ate.

“I myself hunger for the closeness we once had. We are just as always here, waiting for you.

“We missed you at Christmas eve dinner and only ate because it was too late and we are all starving.

“And I only found out days after that you were are Mama Helen’s house the whole time. But we are thankful that you still were able to come before midnight.

“I needed comfort because it had been a truly not-so-happy season for me; a very sad one in fact. So I was happy that you came. It was a happy night for us all, di ba?

“We missed you at Christmas lunch with the Pangilinans. We missed you on New Year’s Eve, on New Year’s Day. Where were you anak? What were you doing? Why not even a text from you?

“I know you are in your 30’s now and are free to do what you want. But if I hadn’t even bothered calling my Mommy when she was alive to tell her where I was going or what I was doing, I know she would’ve found it unforgivable, unacceptable.”

Nakikiusap na si Sharon na huwag dumistansya si KC sa kanila.

“Anak huwag kang lumayo amin. Kiko has loved and raised you with me since you were 9. Each of your sisters, and you brother, dad – and I – crave a relationship with you. Buhay ko ang mga anak ko.

“Sure Kakie is my best friend because she talks to me the most and we are on the same wavelength.

“Pero even Miel and Miguel know na walang ina na hindi mahal ang kanyang mga anak ng pantay-pantay. Kahit talikuran kayong lahat ng mundo si Mama ang matitira.

“Siempre sasabihan ko pa rin kayo kung may mali kayong ginagawa, pero never ko kayong titigilang mahalin, bumaliktad man ang mundo, isa lang ang Mama ninyo.

“I love you very much Kristina. I missed you at ASAP. But I missed you more the next day, my actual birthday. And last Christmas day, New Year’s Eve, New Year’s day.

“I miss you too often nowadays, it seems. Because 99% of the time I have no idea where you are. What you’re doing, and more importantly, HOW you are.”

Binanatan din ni Sharon ang mga naninira sa relasyon nilang dalawa ni KC at sinabihan pa ang mga itong “mga nangingialam”.

“Ang daming taong nakikialam at nagsasabi ng masasakit na salita sa social media when WALA NAMAN SILANG ALAM SA BUHAY NATIN NG ILANG TAON NA. They talk as if they live with is and believe their own out-of-this-world, very mean, even evil opinions to be facts. When it’s really so simple.”

Napilitang mag-post si Sharon ng kanyang mahabang mensahe para ipaalam ang totoo at tigilan na nang ibang mga tao na gumawa pa ng mga maling kuwento.

“I felt obliged to post this because instead of a private text or call from you, you had posted your message and these mean people who have nothing better to do have written their own stories in the twisted minds and posted them as if they were the truth. This is all I have to say.”

Ipinagdiinan ni Sharon ang malaking pagmamahal niya kay KC at miss na miss na aniya ito. Nakiusap si Sharon na bumalik na sa kanya ang anak.

“Come back to me, to us. And no – I am not stupid to expect any of my children to be perfect. You all deserve a good bonking-on-the-head every now and then, you gremlins! I don’t expect perfection. Just a bit of attention. Respect. Love. That’s all.”

Nanawagan din si Sharon kay KC na kung nasaan man ito ay huwag nitong pababayaan ang sarili.

Nangaral pa si Sharon sa mga naninira sa kanya at sa relasyon nila ni KC.

“(At kayong mga walang magawa kundi siraan at sirain kaming mag-ina, bahala na ang Diyos sa inyo. Hindi kayo nakakatulong. Naaawa ako sa mga nanay nyo na nagpalaki sa inyo dahil parang hdi kayo natuto ng mabuti.

“Tigilan nyo na sana kami. Normal lang ang hanapin ng ina ang kanyang anak. Kundi nyo naiintindihan yon, that’s your problem, not ours.)”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More