Una sa Balita

Sharon pumayag maging kontrabida ni Cherie

0 293

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyPunong-puno ng saya at k­asabikan sa isa’t isa ang longtime friends na sina Sharon Cuneta at C­herie Gil sa naganap na reunion get-together nilang dalawa.

Naka-post sa Instagram ni Sharon ang larawan na nagpapakita ng masayang bonding nila ni Cherrie. Kasama pa sa get-together na ito ang mga anak ni Sharon.

Makikitang nakayakap si Cherie kay Frankie na inaanak niya. Matagal na hindi nagkita sina Cherie at Frankie. Sa caption, hindi makapaniwala si Cherie na dalaga na ang inaanak niya.

Anyways, isa sa highlight ng reunion ng dalawa ay ang reenactment ni Sharon ng pinakasikat na linya nila ni Cherie mula sa pelikula nila noon na “Bituing Walang Ningning”.

Sa pagkakataong ito, si Sharon ang kontrabida at nag-dialogue ng linya ni Cherie na: “You’re n­othing but a second rate trying hard copy cat” at saka sinabuyan niya ng hawak niyang baso ang kaibigan. Walang laman ang baso pero nag-head throw pa rin si Cherie. Sabay na naghalakhakan ang dalawa na ikinaaliw ng kanilang mga follower.

Yasmien gustong maging politiko

May plano bang pumasok sa politika si Yasmien Kurdi? Nagtapos nga siya ng kursong Political Science sa Arellano University, at pasado sa Civil Service.

Naka-post sa Instagram ng Kapuso star ang mga la-rawan niya sa Civil Service Commission office. Hawak-hawak niya ang certificate of Civil Service eligibility niya.

Kahanga-hanga ang talino at dedikasyon ni Yasmien na makapagtapos ng pag-aaral, pero marami ang humuhulang maaaring may interes itong maging public servant.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy