Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sharon Nobyembre pa eeksena sa ‘Ang Probinsyano’

0 57

Chika ng isang source, baka November pa raw ang lock-in taping ni Sharon Cuneta para sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ni Coco Martin.

Committed na raw talaga ang Megastar sa ABS-CBN at Dreamscape Entertainment para sa project na ‘yon. 

So, hindi naman pala sa cycle na ito ng lock-in taping sa Ilocos Sur ang pasok ni Sharon sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

At least, tuloy na tuloy na pala ang Megastar sa nasabing action series. Pero malamang, sa Ilocos Sur pa rin daw ang lock-in taping nila.

Pascual, Poe bibida sa Pinoy adaptation ng Korean series

Kahapon ang big welcome kay Lovi Poe bilang newest Kapamilya. Ginanap nga ng 10:00am ang contract signing niya sa ABS-CBN.

Sa mga nagtatanong kung first time ba ni Lovi na tumuntong sa Kapamilya Network compounded, ang sagot ay NO!

Nakapunta na ang lovely actress sa ABS-CBN studios nang mag-guest siya sa isang show ni Boy Abunda para sa isang movie promo.

But wait, noong baguhan pa lang si Lovi sa showbiz at singer pa lang, nag-guest din siya sa isang morning show ng Kapamilya Network at kumanta pa.

Anyway, as I write this, hindi pa nagsisimula ang media conference for Lovi, so, hindi pa siya natatanong ng mga invited doon.

May lunch pa kasi si Lovi with top ABS-CBN executives na talagang nandoon para sa kanyang contract signing.

Nandoon para i-welcome siya sina Mr. Carlo Katigbak, Ms. Cory Vidanes, Mr. Rick Tan at si Sir Deo Endrinal ng Dreamscape Entertainment production unit.

Lahat ng mga kasali sa contract signing ni Lovi, including her, ay nag-PCR swab test noong Wednesday dahil requirement ‘yon.

Anyway, dahil hindi pa nga nasisimulan ang presscon nang mag-deadline ako, hindi ako sure kung nabanggit na ba na Pinoy adaptation ng isang sikat na Korean series ang first teleserye ni Lovi sa Kapamilya network.

Nabanggit din kaya na si Piolo Pascual ang kapareha niya roon?

Kahapon din ang contract signing ng aktor para sa nasabing teleserye. Patunay lang daw ‘yon na hindi lilisanin ni Piolo ang ABS-CBN.

Ang bongga!

Anyway, masaya ang mga kasamahan ni Lovi sa LVD Management, Inc. ng manager niyang si Leo Dominguez, like Paulo Avelino, Janine Gutierrez, Ogie Alcasid at iba pa dahil kasama na nga nila ang lovely actress sa Kapamilya Network.

Bago nga pala umalis ng Los Angeles, California si Lovi at bumalik ng bansa ay alam na namin ang desisyon niya na paglipat sa ABS-CBN kaya noon pa lang ay kinongratulate ko na siya.

Ang alam ko, aalis din uli si Lovi pa-LA o London, United Kingdom na para naman sa Hollywood-British movie na kasama siya, ang ‘The Chelsea Cowboy’, a biopic based sa buhay ni John Bindon. 

Si Lovi ang gaganap bilang si Dana Gillespie sa pelikulang ‘yon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.