Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sharon Nobyembre ang pasok sa ‘Probinsyano’

0 196

Inusisa ko naman ang isang nakakaalam sa nalalapit na pagpasok ni Sharon Cuneta sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’. Sabi ng chinika ko, pinaghahandaan na raw ng mga taga-ABS-CBN at Dreamscape, Inc. ni Sir Deo Endrinal ang announcement ng tungkol sa nalalapit na pagla-lock-in taping ng Megastar.

Tuloy na tuloy nga raw ang misis ni Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan sa action series ni Coco Martin.

“Magkakaroon ng media conference para i-announce ang tungkol doon. Yes, tuloy si Mega sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’. Ang alam ko, November 9 ang announcement,” chika ng kausap ko.

Nagmi-meeting na raw ang Kapamilya Network at kampo ni Sharon tungkol sa mga detalye ng lock-in taping ng Megastar para sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

Chika pa ng source ko, malamang na November talaga ang pasok ni Sharon sa lock-in taping ng Kapamilya action series.

Bongga!

Baby Fiore simple ang kaarawan

How time flies talaga, Dondon (my dear editor). Aba, parang kailan lang ‘yung nag-announce si Assunta de Rossi na buntis na siya at bukas ay isang taon na ang anak nila ni Jules Ledesma, si Baby Fiore.

Natatandaan ko pa nga kung gaano ka-excited si Sam (palayaw ng aktres) noong first week of March last year nang secretly ay ikuwento niya sa akin na buntis na siya.

Nang magkita naman kami noong March 15 (first day ng lockdown dahil sa COVID-19), pinakita niya sa akin ang picture ng ultrasound kung saan ay kita ang fetus sa kanyang sinapupunan.

That time nga, kabilin-bilinan ni Sam na huwag ko munang ikuwento kahit kanino na buntis siya dahil after pa lang ng kanyang first trimestral niya ikukuwento sa lahat ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Nang i-announce na nga niya ‘yon noong May last year sa kanyang social media accounts (na ang first time na pagpapa-on cam interview naman niya ay sa ‘Anything Goes’ show ko sa Abante News Online), nagkagulatan pa kami ng manager niyang si Annabelle Rama dahil pareho naman pala niyang inamin sa amin ang tungkol sa pagbubuntis niya, pero naglihiman nga kami ni Bisaya.

So, ano ang plano nila bukas sa first birthday ni Baby Fiore?

“Actually, walang ganap bukas. Sa Sunday, may family dinner kami. Lima lang kami sa condo. Si Jules, ang dalawa pa naming anak (mga anak ng kanyang mister sa yumao nitong first wife) at si Fiore.

“Wala kaming bisita. Bawal pa kaming tumanggap ng bisita. Pero baka si Alex (sister niyang si Alessandra), kung gusto niyang pumunta, siya lang ang guest ni Fiore.

“Walang big celebration. Hindi pa puwede,” chika pa ni Assunta.

Anyway, happy, happy birthday, Fiore na considered Abante baby rin!

Leave A Reply

Your email address will not be published.