Una sa Balita

Sharon ‘naumay’ sa ganda ni Marian

By
0 3,634

Mapapa-wow ka na lang talaga sa natural beauty na biniyaya kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Biruin mo kahit simpleng cropped top at short lang ang suot niya, nakakabighani pa rin ang dating dahil dalang-dala pa rin ng beauty niya ang overall look.

Kaya naman sa recent post nito kung saan naka-pose siya ‘under the sun,’ hindi mahulugan ng karayom ang comments ng mga tao tungkol sa kaseksihan niya.

Sabi nga ng ilang millennials, nasaan daw ang hustisya? Meron pa kaming mga nabasa na siguro raw nu’ng nagpaulan ng kagandahan, siya lang ang nakasalo nito. Even her co-stars sa Super Ma’am, agree sa sinasabi ng netizens. Uwian na raw dahil may nanalo na.

Sabi nga ni Sharon Cuneta, “Jusko nakakaumay ang pagka-perfect. Huhuhu! Hahahaha! Inaanak ko yan. Taksiyapo! Love you, Yan. Que Bonita!”

Sey naman ni Maxene Magalona, “Forever wife and mama goals!”

Ikinumpara pa sa isang Angel ang kagandahan ni Marian, ha! Na para nga raw may bumabang anghel mula sa langit, kapag tiningnan mo ang mukha ng misis ni Dingdong Dantes.

Ikaw na talaga, Super Ma’am! Hahaha!

Kyline Alcantara mahusay magtaray, magpaiyak

Nakakabilib ang husay ni Kyline Alcantara sa pag-arte. Kahit saan mo kasi siya ilagay — pagtataray o pag-iyak, umaangat ang galing ng Kapuso star. Sa Kambal, Karibal nga kung saan nasa katawan na ngayon ng karakter niyang si Cheska ang espirito ni Crisel (Pauline Mendoza), masyadong napabilib ang viewers sa nakakaantig na eksena nila ni Crisan (Bianca Umali) na nag-iiyakan.

Nakakatuwa ang husay ni Kyline. Tiyak isang mahusay na aktres na naman in the making ang alagang ito ng GMA.

Rhian planong pabagsakin sina Lovi, Max

Bentang-benta sa mga manonood ang kasisimula pa lang na Kapuso Primetime series na The One That Got Away dahil bukod sa kilig, napakakukulit ng roles dito nina Rhian Ramos, Max Collins at Lovi Poe. Bagay na bagay lang sa kanila ang mga karakter nila dahil makikita mo ang dedikasyon ng tatlong Kapuso leading ladies sa kanilang trabaho as an artist.

Si Rhian nga mukhang kahit off-cam, game face on pa rin ang peg. Sa recent post kasi nito sa kanyang Instagram account kung saan ang caption ay ‘Plan Z,’ pinag-iisipan ng fans kung ito raw ba ang number of plans na meron ang aktres para makuha ang karakter ni Dennis Trillo sa serye na si Liam. Kaloka si Rhian, ‘di ba?! Pak na pak talaga kung lumaban.

Ryza #1 enemy ng televiewers

Dahil sa sobrang palaban ng role ni Ryza Cenon sa Ika-6 Na Utos na si Georgia, mukhang lahat ng tao susukuan na siya. Sa recent episode kasi nito, tila napuno na rin sa kanya ang kapatid niyang si Geneva, na ginagampanan ni Angelika dela Cruz. Nabaling din kasi sa kanya ang inis ng kapatid at nagpaka-brat na naman si Georgia matapos itong mabuking ni Rome (Gabby Concepcion) na hindi pa naman pala siya bulag.

Sa ngayon, si Ryza nga ang itinuturing na #1 enemy o kaaway ng mga manonood. Kahit saang social media ka tumingin, kapag na-post ang tarayan nila ni Sunshine Dizon, puro pagkamuhi ang mababasa mo tungkol sa karakter niya bilang Georgia.