Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sharon nagpatutsada sa mga politikong korap

0 54

Nabulabog na naman ang Instagram ni Sharon Cuneta matapos itong mag-post ng COVID-19 cases chart ng ilang bansa sa Asia kabilang na ang Indonesia, Bangladesh, Myanmar, Cambodia at Sri Lanka.

Nangunguna sa chart ang Pilipinas sa may pinakamataas na may kaso ng COVID-19. Hindi napigilan ng megastar na mag-comment ng pagkabigla sa estado ng bansa tungkol sa nasabing deadly virus.

“Ano na baaaaaaaaaa???!!!!! NUMBER 1 tayo!!! Pero sa ‘di magaling! Praying for us all – especially for our exhausted frontliners, the poor and hungry, the jobless, the sick, families of those who have lost their loved ones. Also for those na matitigas ang ulo at ayaw sumunod sa rules, ilang opisyal na inuuna sariling bulsa kesa sa taongbayan. God bless and have mercy on the Philippines.”

Hindi pumabor ang mga DDS sa Megastar sa inaakala ng mga itong bumanat ng reklamo ang aktres. Hindi naman nagpatalo si Sharon at giniit na ang kanyang post ay hindi lang para gisingin ang mga tao kundi ang gobyerno.

Angeline may panlasa, pang-amoy na

Patungo na sa full recovery si Angeline Quinto mula sa pagkakaroon ng COVID-19. Ibinalita niyang bumubuti na ang kanyang lagay at nakakaramdam na siya ng pagbabago.

“May panlasa at pang amoy na ulit ako. Salamat Panginoon,” sabi niya.

Mahigit isang linggo na nang mahawahan ng virus si Angeline. Ibinahagi niya sa YouTube channel niya ang bawat araw na pinagdadaanan niya habang naka-isolate.

Ilang araw na lang at magpapa-swab test uli si Angeline para malaman kung magaling na siya.

Luis ‘di tinipid kasal kay Jessy

Panay ang post ni Jessy Mendiola sa Instagram ng mga larawan ng kasal ni Luis Manzano. Makikita sa mga photo na halos mapaligiran ng bulaklak ang San Benito.

Simple pero ginastusan din nang husto ang wedding, kung saan lahat ng bisita ay dumaan sa swab test at safety protocols. Hindi nga tinipid ni Luis ang kasal kay Jessy, at makikita naman `yon sa itsura ng kanilang kasal.

At para matiyak na walang carrier ng virus sa mga bisita, nag-stay ang mga ito sa venue ng ilang araw bago ang wedding.

Pinuri mga DDS: Pokwang kinontra ng mga dilawan

Tinawag na ‘class’ ni Pokwang ang mga DDS na hindi umaaway at nanlalait sa kanya, sa mga kritisismo niya sa sitwasyon ng COVID19 sa bansa.

Inamin ni Pokwang na may mga kaibigan siyang DDS sa loob at labas ng showbiz.

“Sa mga DDS kong kaibigan sa showbiz man o hindi, salamat sa mga pakikinig at hindi pagmumura sa aking opinyon, ang tawag dyan ay with CLASS…at yan ang hindi mabibili kahit may Billion dollars ka pa. Salamat sa inyong bukas na isipan ika nga e with CLASS…#respect,” sabi ni Pokwang.

Kinontra naman ng mga dilawan ang tweet ni Pokwang at sinabing kahit sinong DDS, walang class.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.