Una sa Balita

Sharon muntik mabulag

0 361

Isinugod si Sharon Cuneta sa emergency room ng Makati Med dahil sa matinding pagkirot ng kanyang kanang mata. Nangamba si Sharon sa posibleng pagkabulag kaya agad itong nagpadala sa nasabing pagamutan.

Nagpasalamat na lang ang Megastar dahil hindi fatal o malala ang sitwasyon niya.

“Majorly painful/painfully major eye irritation tonight. Had to rushed to the Makati Med E.R..buti walang scratch or foreign body. Nairritate lang dahil sa bahay when it as itchy and a bit sakit I scratched and washed it. Ayan. Kulang na ang makasama ko si Johnny Depp. Sabay na kami mag Pirates sa Caribbean. Haayyy. NapakaKYUUUUUUT talaga ng buhay ko nitong mga araw na ito!”

Makikita sa IG wall ni Sharon na nakatakip ng gasa ang kanyang mga mata. Hindi rin niya sinabi kung may kinalaman ito sa ashfall, pero nu’ng mga oras na ‘yon na sinugod siya sa ospital ay kainitan na rin ng pagkalat ng mga abo na mula sa Taal. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More