Una sa Balita

Sharon, Marian, Alden, Piolo, Ogie, Regine sama-sama sa kasal nina Ai Ai-Gerald

By
0 9

May additional information si Ai Ai delas Alas tungkol sa mga tao na may special participation sa church wedding nila ni Gerald Sibayan sa December 12. Star-studded ang magaganap na pag-iisang dibdib ng dalawa at dahil sa dami ng mga kaibigan na artista na kasali, nakalimutan ni Ai Ai na banggitin ang pangalan ng iba.

Mga host sa wedding reception sina Allan K. at Arnell Ignacio at kakanta sina Julie Anne San Jose at Erik Santos.

Mga abay rin sa kasal sina Pops Fernandez, ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid, Piolo Pascual, Eugene Domingo, Rufa Mae Quinto, Randy Santiago, Bayani Agbayani, Pauleen Luna at Vic Sotto at ang mga kasamahan ni Ai Ai sa Sunday Pinasaya na sina Jose Manalo, Barbie Forteza, Valeen Montenegro at Jerald Napoles.

Nauna nang ibinalita ni Ai Ai na Matron of Honor si Sharon Cuneta sa kasal nila ni Gerald, maid of honor ang kanyang anak na si Sophia at mga secondary sponsor sina Marian Rivera at Alden Richards.

Mga principal sponsor sina Lolit Solis, Cristy Fermin, Tony Tuviera, Boy Abunda, Cory Vidanes, Mother Lily Monteverde, Congresswoman Vilma Santos-Recto, former Vice-President Jojo Binay, Atty. Felipe Gozon, Senator Dick Gordon, Mike Velarde, Senator Ralph Recto, Chavit Singson at Willie Revillame.