Una sa Balita

Sharon malalim ang sama ng loob kay KC

0 738

Binigyan ng kahulugan ng mga fan ang simpleng post ni Sharon Cuneta sa Instagram na pinuri-puri niya ang kabaitan ni Angel Locsin sa kanya. Nag-post nga si Shawie ng photo nila ni Angel, na kinunan nga raw noong 2005 pa.

“This was taken in 2005 or 2006. Angel was still Darna on GMA7. I was shooting my McDonald’s commercial with Kakie who was so obsessed with Darna then. Lemme tell you about this woman. Kahit nasaan siya sa laki ng ABS-CBN, pag nalaman niyang nandun din ako somewhere in the complex, pupuntahan niya ako kahit gaano kalayo para lang mag-hello,” pahapyaw na sabi ni Sharon.

Naikuwento rin niya na noong huling ABS-CBN Christmas Special, magkakasama raw sila nina Angelica Panganiban at Ogie sa likod at nauna naman ang ibang Kapamilya star, tulad ni Angel.

Pero, noong nasa stage na raw sila, ayaw raw pumayag ni Angel na nasa likod si Megastar. Na nahihiya nga raw siya, pero si Angel daw ang nagpumilit.

“So hinila niya talaga ako at nilusot niya talaga kaming dalawa sa lahat ng mga artistang nasa long stage hanggang madala niya ako sa harap. Napakabuti ng batang ito. Paano mo naman di mamahalin? She didn’t have to do it but she did anyway, forgetting that she is THE Angel Locsin. Maraming salamat sa respeto, Angel. Love kita! @therealangellocsin,” kuwento ni Sharon.

At inisip nga ng iba, bahagi ‘yon ng pagpapatutsada ni Sharon sa anak na si KC.

Sabi ni mymp.28: “That’s too much Ms. Sharon. Puro ka parinig sa panganay mo. Nanahimik siya ‘di ka naaawa. Ngayon ka lang naman nagpo-post ng ganyan kc may purpose ka para magparinig sa anak mo. Di ako fan ni KC, naaawa lang ako bakit kailangan gawin mo yan thru social media at proud ka pa. Taas ng pinag- aralan mo at galing ka sa marangal na pamilya, gamitin mo. God bless you!”

Taray, ‘di ba? Na siyempre ay hindi pinalampas ni Sharon. May mga kumampi rin kasi sa post na ‘yon, kaya minarapat ni Shawie na sagutin na ito.

“@mymp.28 nagpapasalamat ako sa isang taong gumawa ng mabuti sa akin, patama agad? Ang tinatamaan guilty kahit hindi siya ang iniisip. Konting lawak ng pag-iisip naman,” say ni Sharon.

Na sinundan pa niya ng isa pang mensahe, sagot na para naman sa isa ring fan na sumawsaw.

“@tiptopsalamat Wala kayong alam sa mga nangyayari. Ano ito tampong ‘di matapos? Baka kaya mas malalim? Huwag na kasi makialam.”

Lumalabas na malalim ang ugat ng sama ng loob ni Sharon kay KC. Na hindi nga lang ito basta-basta tampo lang.

At pakiusap niya, na wag na lang sumawsaw, o makialam pa ang iba.

Anyway, marami nga ang nagtulong-tulong para resbakan din ang mga tao na hindi maunawaan ang nararamdaman ni Sharon ngayon, na sa tingin nila ay puro patutsada kay KC. Payo nga nila kay Shawie, ‘wag silang patulan. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More