Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sharon makabuluhan ang b-day gift kay Marian

0 822

August 12 ang actual birthday ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Pero mukhang ilang araw pa lang bago ang birthday niya ay may birthday gift na sa kanya ang Ninang nila ni Dingdong Dantes sa kasal na si Sharon Cuneta.

Pinadala ni Sharon ang binili nitong painting ni Marian ng isang local painter. Nagpasalamat si Marian sa kanyang IG account sa kanyang Ninang Sharon.

Actually, ngayong pandemic, isa ito sa mga ginagawa ni Sharon para matulungan ang mga small businesses. Nakita na namin ito sa isang kaibigan na nagbebenta ng kimchi at iba pang fresh Korean dish. Nagulat ito sa biglang pag-follow sa kanya ni Mega at pag-promote ng business niya at bumili pa.

Paraan daw ito ni Sharon para matulungan ang mga small or online businesses ngayong parang naghihingalo ang ekonomiya.

Ganito rin ang ginawa ni Sharon kaya niya binili ang painting ni Marian. Nakilala or naging aware si Sharon sa painter na si @junsartwork dahil ipininta na rin siya nito at tinag siya ng mga Sharonians.

Tulad nang pagkakabili niya ng painting ni Marian at pagreregalo rito, binili rin niya ang painting niya na pininta ng naturang artist. (Rose Garcia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.