Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sharon kliyente ni Guevarra

0 530

Naging kliyente ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang megastar na si Sharon Cuneta noong siya sya nagpapraktis ng kanyang propesyon bilang pribadong abogado.

Ito ang sinabi ng Justice secretary patungkol sa kanyang relasyon sa Megastar.

” Yes, since 1992, until i rejoined the government in 2015. Mostly on personal, property, and corporate matters,”ayon kay Guevarra.

Matatandaang si Guevarra, ang unang nilapitan ni Sharon nang magpasiya itong paimbestigahan at kasuhan ang basher na nambastos sa kanyang anak na si Frankie Pangilinan.

Kaagad naman ininendorso ni Guevarra sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pag iimbestiga at pagsasampa ng kaso sa nambastos kay Frankie na nakilala sa kanyang Facebook account na si Sonny Alcos.

Sinabi rin ni Guevarra na dahil si Frankie ay nasa tamang edad na , ang dalaga na umano ang magsasampa ng demanda at hindi ang kanyang nanay na si Sharon.

Maari umanong panumpaan ni Frankie ang kanyang reklamo sa anumang City Prosecutor o maari nilang idirekta sa DOJ ang pagsasampa kaya lamang ay sa susunod na linggo pa puwede pagkatapos na maalis ang lockdown sa DOJ. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.