Una sa Balita

Sharon inatake ng ‘demonyo’

0 728

Nabagok ang ulo:

Nagtamo ng fracture sa kanyang ulo si Sharon Cuneta matapos madulas sa kanyang banyo at tumama ang ulo sa upuan ng marble sa kanyang shower room.

Napasigaw ng “Daddy” kay Sen. Kiko Pangilinan si Sharon matapos itong mapaupo at mauntog ang likuran ng kanyang ulo.

Lumabas sa CT scan result na nagtamo ng fracture sa top layer ng kanyang ulo ang Megastar at ngayon ay closely monitor siya ng kanyang mg doktor sa posibleng paglala ng kundisyon nito, at sa mararamdaman nitong pagkahilo at matinding pananakit ng ulo.

Nakalagay sa Instagram ng larawan ni Sharon sa duet song nila ng 80’s composer-singer na si Odette Quesada sa homecoming concert nito, ang kuwento ng aksidente ng Megastar.

Itinuturing na gawa ng devil ang pagkakabagok ni Sharon dahil bago pa ang insidenteng ito, may mga naunang hindi magagandang pangyayari sa buhay niya nitong mga nakaraang araw.

Ayon kay Sharon pagpasok pa lang ng 2020, inatake na siya ng demonyo nu’ng lokohin siya ng dalawa sa pinagkakatiwalaan niyang tao na pati buhay niya ay ipinagkatiwala niya sa mga ito.

Mukhang napagnakawan ng malaking halaga ang Megastar dahil sa sinabi niya sa message na “One Time Big” ang dalawang nanloko sa kanya.

Hindi makapag-move on si Sharon sa nangyari lalo at minahal niya na parang hindi na iba sa kanya ang dalawa.

At ang sumunod nga ay ang pagkakadulas niya sa sariling banyo nu’ng Sabado, na siyang araw ng concert ni Odette Quesada. Ipinagpaliban muna ng Megastar ang papunta sa ospital para makapunta sa concert ni Odette at makakanta.

Ito ang paraan niya para hindi magtagumpay ang pinaniniwalaan niyang devil na gusto siyang buwisitin at hadlangan ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanya.

Naglagay lang ng ice bag sa kanyang ulo si Sharon na pumunta sa venue ng concert at sa tulong ng taimtim na panalangin sa Diyos ay naitawid niya ang guesting niya sa concert.

Hindi puwedeng palampasin ni Sharon ang pagtatanghal ni Odette na siyang nagbigay ng awiting “To Love Again” sa kanya noong 17 years old pa lang sya at ang songwriter ay 18 years old pa lamang.

Kinikilala ni Sharon ang kontribusyon ni Odette sa kanyang singing career at sa halos sabay nilang paglago sa music industry.

Matapos ang concert, dumiretso na si Sharon sa St. Luke’s BGC para sa check-up at dito nakita sa CT scan ang kanyang fracture. Dasal ang hinihingi ni Sharon sa kanyang kundisyon kahit na nga sinabihan siya na gagaling ng kusa ang kanyang fracture.

Pinasalamatan at binati pa ni Sharon si Odette sa show nito kahit na nga halos panawan siya ng ulirat sa sakit ng ulo. Sabi pa niya, hindi siya pinabayaan ng Panginoong Hesus.

Barbie suportado ang paghuhubad ng dyowa

Hindi palaging pabor si Barbie Forteza sa paghuhubad ng kanyang dyowang si Jak Roberto sa social media. Sa panayam ng “Abantelliling” kay Barbie kamakailan para sa promo ng kanilang serye na “Anak ni Waray vs Anak ni Biday”, kasama si Kate Valdez, sinabi niyang pinagsasabihan din nyia ang dyowa na huwag masyadong mapagbigay.

Suportado naman ni Barbie ang pagpapa-sexy ni Jak lalo at alam niya ang hirap nitong ma-achieve ang fit body nito at hindi siya nagsiselos sa pagsu-show nito ng kanyang katawan.

Pinapayuhan lang nito ang dyowa na huwag laging maghubad. Na kahit nga si John Estrada ay napansin na rin ang madalas na paghuhubad ni Jak.

“Kailangan naka hubad jack?” ang reaksiyon ni John sa topless photo ni Jak.

“@john_estrada, best served kuya pag topless hahaha,” sagot ni Jak.

Batang gaya-gaya wanted kay Ganda

Hinahanap at gustong makilala nang personal ni Vice Ganda ang isang bata na gumagaya sa ilan niyang mga kasuotan. Nakalakip sa tweet ni Vice ang larawan ng bata na may ilang kasuotan na hawig sa mga pasabog na outfit ng “It’s Showtime” host.

Sey ng nag-post, “@jamaica_agas, this is so cute lahat ng outfit ni @vicegandako gayang gaya niya so cute.”

Nag-tweet ng kanyang reaction comment si Vice sa post at sinabing “Can’t get over these photos!!! San ko ba mahagilap tong batang to?!”

Hindi nilinaw o sinabi sa post sa bata kung babae o lalaki ito?

Julia ‘di pa burado sa buhay ni Joshua

Walang basehan si Julia Barretto na burahin ang lahat ng mga photo nila ni Joshua Garcia at tanggalin sa listahan ng kanyang mga pina-follow sa Instagram ang ex-boyfriend.

Base sa Instagram post ni Janella Salvador sa larawan nila ni Joshua habang yakap siya ng aktor at kuha sa isang eksena nila sa nagwakas na serye na “The Killer Bride”, malinaw na nakasulat sa caption na magkaibigan lang sila ng aktor.

“….and you. Thank you for being such a wonderful leading man. You are absolutely talented and you deserve all the recognition and praises you are receiving. I’m glad I found a friend in you—one that is so much like me. Keep shining. Ps. Thank you for feeding me all the time,” sabi ni Janella.

Sa post naman ni Joshua sa Instagram ng larawan nila ni Janella habang kinakantahan niya ang aktres, malinaw na “friend” lang sila nito.

“I am lucky to have a friend like you,” sabi ni Joshua.

Base sa photo gallery ni Joshua, nanatili pa rin ang larawan nilang dalawa ni Julia, na ang ilan ay kuha pa sa birthday ng aktres nu’ng nakaraang taon at sa mga nauna pa nilang pagsasama. Ibig sabihin, mahalaga pa rin si Julia kay Joshua.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More