Una sa Balita

Sharon hindi bagay mag-muse sa mga manok

0 834

Tuwang-tuwa kami sa ipinapakitang attitude ni Megastar Sharon Cuneta kaugnay ng mga bashing sa kanyang pagmu-muse last Sunday sa PBA opening.

Dedma lang ito sa pasaring ng marami na kumu­kwestiyon sa Magnolia team na mas kilala raw sa kanilang chicken product at hindi sa pork na siyempre pa “normal” na kantiyaw kay mega dahil sa weight issue nito.

“Mamatay kayo sa inggit!” sey nga ng mga follower ni Shawie including us dahil sa totoo lang, sa tinagal-tagal na namin sa liga ng basketball, si Mega na yata ang pinaka-senior na naging muse ng isang sikat na PBA team.

At 53, sila pa lang ni Superstar Nora Aunor ang masasabing mga superstar ng showbiz na nangabog sa ibang muses ranging from beauty queens, sports heroines to other stars.

Carry on mega!

Reunion ng mga sing-along host inindiyan ni Vice

Kinakantiyawan naman si Vice Ganda ng ilan sa mga Kapamilya niya sa sing-along and comedy bars dahil nga sa umano’y pandededma nito sa ilan sa kanila last holiday season.

Meron umano kasing nagparamdam, nagpaabot o nagpasabi kay Vice ng plano nilang “Christmas gathering” lalo na nu’ng mga nasa hindi masyadong kilalang co­medy bar.

Pero ang kumalat ngang tsismis, tila nadedma o hindi ito pinansin ng itinuturing na most successful product of the said sing-along bar community.

Kaya raw to the rescue ang mga gaya nina Teri Onor, John Lapus at iba pang senior performers sa panawagan at lambing ng mga ito kaya’t bago natapos ang 2018, ay biglaang nagkaroon daw ng party para sa mga ito. Nagpatak-patak lang daw ang karamihan para sa pagkain at venue at konting raffle, masaya na!

“Hindi naman talaga kailangan yung mga bonggang venue at pasabog. Yung thought lang na nag-gather kayo at masayang nagsama-sama, yun lang,” sey ng ilan sa mga nakausap namin na umano’y nagtataka at nagtatanong lang.

Kasi nga raw sa kanilang lahat, kung meron man daw may kapasidad at kakayahan na pagsama-samahin ang majority kung hindi man ang lahat ng artists ng comedy bar community, wala raw iba yun kundi si Vice Ganda.

Pero mukhang hindi nga raw ‘yun nag-conform sa imahe nito? Baka naman sobrang busy lang ‘yung tao o ‘di kaya’y pasimple na lang itong tumutulong?

Boobay, Tekla takot kay Vice Ganda

Pero gusto naming maniwala na dahil dito ay naka-gain ng trust and confidence ang sikat na tambalan nina Boobay at Tekla, dalawa sa mga sikat ding stand-up comedians ng bansa.

Yung kanilang “The Boobay and Tekla Show” na sikat sa online ay mapapanood na sa TV beginning January 20.

Heads on ang tapatan dahil talagang saktong-sakto ang timeslot at araw nito sa “Gandang Gabi Vice.”

“Nagkataon lang po yun at desisyon po yun ng GMA 7 management. Basta po kami, gagawin na lang namin ang aming best dahil kung iisipin namin ang kumpetisyon, wow, sino ba ang hindi matatakot sa isang higante? Siguro naman po ay meron kaming sariling audience na manunuod din sa amin. Ang higit na importante, sila yung mapasaya namin,” komento nina Boobay at Tekla.

Well, we also believe na magandang labanan ito dahil ang pagiging masaya naman ay relative. Ang masaya dito, meron ng “choice” ang mga manonood.
Basta kami, sure kaming masisilip o ‘di kaya’y matututukan namin ito dahil kapag Sunday, tutok na tutok kami at walang makapaglilipat ng channel sa amin kapag “Kapuso Mo, Jessica Soho” na ang palabas.

Eh ‘yun ‘yung pre-programming ng “The Boobay and Tekla Show,” kaya’t malaki ang chance, mapanood nga namin ito hahahahaha!

Pero tama sina Boobay at Tekla, dapat nila kaming mapasaya dahil kapag hindi, mamahalin namin si “remote control” hahaha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy