Una sa Balita

Sharon gusto pang pabuntis kay Kiko

By
0 907

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyInaliw na naman ni Sharon Cuneta ang kanyang mga follower sa Instagram nu’ng ibalita ang posibilidad na pagbubuntis niya. Sa video posting nito habang yakap-yakap niya ang unan na may mukha ng idolo niyang si Gong Yoo, inilahad ng megastar ang pagnanais niyang magkaroon ng sanggol sa kanyang pamilya.

Sinabi rin niyang hindi pa niya alam kung kailan mag-aasawa at mabubuntis ang panganay niyang si KC Concepcion, pero talagang sabik na sabik na siyang mag-alaga uli ng baby.

Say pa ni Sharon, may binubuo siyang ‘plano’ sa kanyang mister na si Sen. Kiko Pangilinan. Ito ay ang sugurin ito sa kanilang kuwarto para makabuo sila uli ng bagong anak.

Walang prenong ibinalita ni Sharon na may kakayahan pa siyang magbuntis dahil meron pa siyang buwanang dalaw o regla.

Nabaliw ang mga follower ni Sharon sa  kanyang mga rebelasyon dahil parang sa iilang tao lang nagsasalita ang megastar gayong milyong followers sa iba’t ibang panig ng mundo ang makakapanood ng kanyang video.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy