Una sa Balita

Sharon gusto nang mawala sa mundo

0 717

Dahil sa sobrang sakit:

Nataranta na naman ang mga fan, kaibigang artista ni Sharon Cuneta, dahil sa Instagram post niya kahapon. May kinalaman pa rin sa panloloko ang paksa ng kanyang IG post.

“My Mommy used to say: ‘You lose your money, you lose a lot. You lose your friends, you lose more. You lose your name, you lose everything.’

“Now I add: ‘If you lose your name over money, you’re worse. If you lose your name over the money of someone who loved, trusted, and protected you, you are the worst.’

“God please help me to forgive. Such a betrayal. The kind na ayaw mo makapatay, pero kung wala akong asawa at mga anak, idadasal ko na lang kunin na ako ng Panginoon sa sakit.”

Para nga sabihin ni Sharon na kung wala lang siyang asawa at mga anak, mas gugustuhin na niya ang mawala na lang sa mundo, dahil sa sobrang sakit na ginawa sa kanya ng isang taong pinagkatiwalaan niya.

Mababasa nga agad ang suporta ni Judy Ann Santos, na nagsabing nandito lang siya para kay Mega. At ganu’n din ang iba pang artista.

Matagal na ngang sinasabi ni Sharon ang problemang ito, at hanggang ngayon pala ay hindi pa rin ito nabibigyang-solusyon. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More