Una sa Balita

Sharon, Gabby TVC 10 million views na

By
0 2,869

Sa mga oras na ito, malamang ay umabot na sa 10 million views ang commercial nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion para sa McDonald’s. Last Tuesday kasi, around 2 p.m. ay mahigit 8.1 million na ang views sa Facebook page ng naturang food chain, puwera pa sa YouTube channel nila, ha! At kahapon ng 2 p.m. pa rin, umabot na ito sa 9.2 million views.

“WOOHOOOOO! Thank you so much to all of you. Thank You, Lord!!! God bless us all! #ShaGab2018 #classic #chicken­mcdoandfries #mcdokumustaka,” chika ng Megastar.

Sunod-sunod nga ang pagpo-post ni Sharon ng photos nila ni Gabby, at wala ngang pagsidlan ang kaligayahan niya. Wala ring katapusan ang pasasalamat niya dahil sa tagumpay ng TVC nila ni Gabby.

Abante Hiring – IT dep

Hinding-hindi nga malilimutan ni Sharon ang pangyayaring ito sa buhay niya. Imagine, after 25 years, ang inaakala ng marami na hindi na mangyayari, biglang-bigla ay nagdulot ng kaligayahan sa mga fan nila.

Ang lakas nga raw kasi ng tama sa puso ng ginamit na theme song na Kumusta Ka na likha nina Willy Cruz at Carmencita Gil. Bumagay sa tandem na McDonald’s Best Tasting Chicken McDo at World Famous Fries.

Anyway, bago pa ang official launch ng TVC nila, marami na ang nasorpresa sa maya’t maya ay chikahan nilang dalawa sa Instagram. Nagsimula sa pagpa-follow nila sa isa’t isa, na nasundan ng mga pino-post nilang mga lumang larawan nila, o throwback photos, na may mga pahapyaw na mga linya na, ‘this is only the beginning’.

Mababasa mo nga ngayon sa social media ang reaksiyon ng mga fan nila…

“McDo lang pala ang sagot sa reunion ng Sharon-Gabby!”

“Hindi nakakasawang panoorin ang TVC nila!”

“Sana masundan pa!”

Anyway, sa panahon ngayon na mahirap na talagang humanap ng perfect combinations, pero hindi sa tulad nina Sharon at Gabby. Na mula noon hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin ng mga tagahanga nila.