Una sa Balita

Sharon, Gabby nilayasan ni KC

By
0 2,666

Birthday ni KC Concepcion ngayon, at 33 years old na siya. April 7, 1985 ipi­nanganak si KC, at yes, puwedeng-puwede na siyang mag-asawa, magka-baby.

Ang edad ni KC ngayon ang pinaka-ideal age raw ng pag-aasawa at pagbi-baby. Nasa ganiyan na edad ang hinabol noon ni Judy Ann Santos na mag-asawa, at mag-baby, para hindi raw siya sobrang mahirapan. At ganiyang edad din ang hinabol ni Anne Curtis.

Anyway, sa Siargao nga magbi-birthday si KC. Ang younger sister niyang si Garie Concepcion (anak ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna) ang kasama niya.

Nakakatuwang makita kung gaano ka-close ang magkapatid (sa ama), na hindi man sila sabay o magkasamang lumaki, pero ramdam na ramdam mo na magkadugo talaga sila, dahil sa pagmamahal nila sa isa’t isa.

Makikita sa IG stories ni Garie ang mga video nila ni KC. Parehong bungisngis, at parehong chikadora ang dalawa. Mga common denominator nilang dalawa, na hindi maitatanggi na nagmamahalan sila bilang magkapatid.

Pero tanong ng mga fan, ngayong gabi kaya (eksaktong birthday ni KC) sino kaya ang makakasama ni KC? Mag-i-stay pa rin kaya siya sa Siargao with Garie at ibang mga kaibigan, o babalik na siya ng Manila para makasama naman ang pamilya ng kanyang nanay na si Sharon Cuneta, with Sen. Kiko Pangilinan, at mga kapatid na sina Frankie, Miel, Miguel?

O dadalaw siya sa tatay niyang si Gabby Concepcion para makasama ito sa birthday niya ngayong gabi?

O parehong dededmahin niya ang mga ito? Iritada na nga ba siya sa paulit-ulit na drama, away ng mga magulang niya? At mas gugustuhin na talaga niya na ang kapatid na lang ang kasama?

Abang-abang ang mga faney…