Una sa Balita

Sharon, Gabby nag-iwasan sa B-day party ni Mother Lily!

By
0 828

Isa sa mga pinagkaguluhan sa bonggang 80th birthday party ni Mother Lily Monteverde sa Crowne Plaza Hotel ay ang Megastar na si Sharon Cuneta na kasama ang mister na si Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan.

In fairness, halos lahat ay gustong magpa-picture kasama si Sharon, huh! Ang Megastar naman, pose lang nang pose kasama ang lahat ng mga gustong magpa-picture sa kanya.

Nakita ko si Sharon na lumapit kay Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada at kahit sa pakikipag-picture nila kasama ang former President ay napakarami pa ring lumalapit at nagpapa-picture kasama ang Megastar.

Kahit nang lumabas na ng ballroom ang mag-asawa, panay pa rin ang pa-picture ng mga tao sa labas. ­Sayang nga lang at nakaalis na ang mag-asawa dahil less than five minutes pa lang ay big­la namang dumating si Gabby Concepcion.

Sa may elevator area rin nanggaling si Gabby kung saan dumaan naman sina Sharon at Kiko, ‘noh?

Sandaling-sandali na lang at nagkita sana sina Sharon at Gabby, huh! Pagkakita nga sa akin ni Gabby at pagkatapos ng konting tsika-tsika, biniro ko talaga ang aktor na sayang at muntikan na silang nagkita ni Sharon.

“Talaga?” ang ta­nging nasabi ni Gabby.

Ay, sayang talaga, bongga sana kung nagkita ang mag-ex at baka naging maayos na ang lahat at malay natin, big­la ay maisipan nila na ituloy na ang kanilang reunion movie.

Pero ‘yun nga lang, hindi talaga nagkataon at hindi nga sila nagkita, ‘noh?!

Parang bigla kong narinig ang kanta ni Manilyn Reynes noong araw na “Sayang Na Sayang”, huh!

Feeling ko may tumimbre na sa kanila, na pag-alis ng isa, doon lang pupunta ang isa. Feeling ko lang naman!

Hahahahaha!