Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sharon ‘di makabangon sa upak ng husgado

0 1,370

Naging napakasakit para kay Sharon Cuneta ang naging resulta ng pinakahuling isyung kinasangkutan niya. Hindi siguro niya inasahan na ang komento niya tungkol sa pagkanta ni Attorney Sal Panelo sa pinasikat niyang piyesa ay mag-iimbita pala ng galit mula sa husgado ng bayan.

Suyurin man natin ang YouTube ay siya ang laman. Basta may kinalaman sa showbiz, idagdag pa ang mga vlog na pampolitika, ay talagang si Sharon ang dinidikdik.

May isang vlogger pang nakabase sa Amerika ang panay-panay ang pagtawag sa kanya na laos na, isa na raw siyang bituing walang ningning, kung iisa-isahin ng Megastar ang laman ng mga vlog ngayon ay baka naisin na lang niyang magpunta sa ibang planeta.

Pero ang pinakamatindi ay ang mga nagpapakilalang dati niyang tagahanga na dahil sa isyung ito ay bumaklas na. Ano raw ba ang nangyayari kay Sharon at lahat ng lang ay ikinaaalarma niya?

Meron mang nagdedepensa sa kanya ay konting-konti lang ‘yun kumpara sa mga nilalaman ng mga vlog na siya talaga ang dindapurak.

Ang mga vlogger na maka-BBM, grabe ang patutsada kay Sharon, talagang inupakan siya nang husto, ‘yung halos hindi na siya makabangon.

‘Yun ang sinasabi naming nakapanghihinayang. Nang dahil lang sa isyu ay parang nabura na ang lahat-lahat ng magagandang nagawa ni Sharon.

Nabalewala na ang mga pinatunayan niya, nawalan na ng saysay ang kanyang karera na hindi lang naman niya binuo nang magdamag, napakasakit.

Mahusay ring tumayming si Attorney Sal Panelo, biglang nabuhay ang mga vlog kung saan nito kinakana ang “Sana’y Wala Nang Wakas” ilang taon na ang nakararaan, kakambal ang kuwento nang namayapa nitong anak na may down syndrome.

Ano ang aasahan natin? Underdog na underdog ang abogado, iniyakan ng mga kababayan natin ang kanyang istorya, idagdag pa na binigyan ito ng libreng publisidad ni Sharon bilang kumakandidatong senador.

Ang nangyari kay Sharon ay kapupulutan ng aral ng mga personalidad. Kung kaya namang palampasin na lang ang isang senaryo ay huwag nang bigyan pa ng panahon.

Huwag sasagot nang galit. Huwag magpo-post kapag malungkot at kulang sa tulog at pahinga para hindi sumasabit.

Kaya ‘di nabuntis? Angelica nakipag-jackstone lang kina Derek, Carlo, Lloydie

Tanong ng mga kaibigan naming Marites, ano raw kaya ang ginawa ni Angelica Panganiban nu’ng mga panahong nakikipagrelasyon siya nang hindi nagdadalantao?

Huwag daw namang sabihing nakipaglaro lang ng jackstone si Angge nang maging magkarelasyon sila ni Derek Ramsay, ni John Lloyd Cruz, ni Carlo Aquino at ng iba pang nailihim sa publiko?

Pills daw siguro ang dahilan para maiwasan ni Angelica ang pagdadalantao. Meron ding nagsabing may injection na para hindi magbunga ang paglipad sa alapaap ng kaligayahan ng magkarelasyon.

Kay Gregg Homan lang nagdalantao si Angge, na kung tutuusin ay hindi pa naman niya katagalang nagiging boyfriend, kumpara kay Derek na umabot sila nang mahigit na anim na taon.

Ngayon pa nga lang siguro nakahanda si Angelica para sa pagdadalantao. Na tama lang naman dahil hindi na siya bumabata. At siguro rin ay nakasisiguro na siya kay Gregg Homan.

A baby is always a blessing. Kaya naman walang kasingligaya si Angelica Panganiban ngayong dinadala na niya ang magiging produkto ng pagmamahalan nila ni Gregg Homan.

Napakagandang biyaya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.