Una sa Balita

Sharon ‘di kinayang makitang patay si Bong Tan

0 813

Minabuti ni Sharon Cuneta na huwag nang magpunta sa burol ng kaibigan at Sharonian na si Bong Tan, anak ng bilyonaryong negosyante na si Lucio Tan.

Tuwing nagpi-perform si Shawie sa events ng PAL, si Bong ang unang pumapalakpak mula simula hanggang sa huling kanta niya. Siya ang unang lumalapit sa kanya at nakikipag-usap.

Bahagi ng Instagram post ng Megastar nang malamang pumanaw na ang isang kaibagan, “I cried buckets. I refuse to go to wakes anymore, They weigh heavily on my heart, I just cannot deal anymore with sadness and loss at this point.”

Nagpalungkot din kay Shawie ang pagpanaw ni John Gokongwei na naging mabait din sa kanya lalo na’t kaibigan din niya ang anak nitong si Robina at asawang si Perry.

Jessy ipinagdasal ang bastos na basher

Sa second wedding anniversary nina Erwan Heussaff at Anne Curtis ay sandamakmak na mga celebrity ang bumati sa kanila, tulad nina Luis Manzano, Ogie Alcasid, Ruffa Gutierrez, Judy Ann Santos at Jessy Mendiola.

Eh, may isang sutil na netizen (@special1004lt) ang nagkomento sa greeting ng girlfriend ni Luis na, “@senorita_jessy just hate to see your name here.”

Siyempre, hindi nanahimik si Jessy, at tugon niya; “Please stop spreading hate. I will pray for you.”

Pinutakti ng mga supporter ni Jessy ang nasabing netizen.

“Luh? Inaano ka ba ni ate Jessy? Hahaha. Kakainis mga ganitong klaseng tao. Sarap batukan.” – @seulgirads.

“Ate wag kang masyado maging bastos. You know what? Hindi ka naman ginagalaw ni ate @senorita_jessy.. Saka take note, huh! Kilala niya si ate Anne natural na mag-congrats siya kasi close sila. Natural na ‘yon.”

“Wag epal. Masyado ka better eh inaano ka ba? Ikaw yata may issue ‘di ka naman inaano jan…” – @iam_gresh.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy