Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sharon binantaang sabunutan si Sandra

0 142

Kaaliw talaga si Sharon Cuneta. Bukod sa mga hinahangaan niyang mga Korean star, hindi talaga namamatay ang pagmamahal niya kay Keanu Reeves.

Sinabi nga ni Mega na kahit tumanda na si Keanu, at tubuan ng ugat o maging puno pa ito, mamahalin pa rin niya.

“Kahit meron na akong Kea-Ko, ikaw lang ang makakapag-iwan sa akin sa kanya,” sabi pa ni Sharon.

SM food to go Banner Ad

At dahil sa tindi ng pantasya niya kay Keanu, umabot siya sa puntong pati ang Hollywood star na si Sandra Bullock ay pinagbantaan na niya.

“Sandra I love you but wag ka nga dumidikit kay Keanu. I love you but masasabunutan kita. Tabi-tabi nga pls. Umiinit ulo ko eh ang ganda ng umaga ko!” pabirong sabi pa ni Sharon.

Si Sharon nga pala ang bida sa pelikulang ‘Revirginized’ kasama sina Marco Gumabao at Rosanna Roces, sa direksiyon ni Darryl Yap, at prodyus ng Viva Films. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.