Una sa Balita

Sharon bilib sa best in Filipino award ni Miel

0 432

abante-i-know-better-jun-nardoAchiever na sa murang edad ang anak nina Senator Kiko Pangilinan at Megastar Sharon Cuneta, si Miel.

Maagang gumi-sing kahapon ang mag-asawa upang dumalo sa pagtanggap ng medals sa school ni Miel. Tumanggap ang dalagita ng Subject Excellence Medals in English and Filipino!

Todo-sigaw ni Shawie nang tawagin ang pangalan ni Miel para tanggapin ang medal sa Filipino 8.

Siyempre, bata pa lang ay English-speaking na marahil si Miel kaya proud na proud si Mama Sharon sa medalyang natanggap.

“Congratulations, Yellie! Nagbunga din ang ating araw-araw na paglalaro gamit ang wikang tagalog ng bahay-bahayan, carinderia carinderia at yung Pretend Play na ikaw si Bantay ang aming ala-gang Tuta. Aw, aw!” caption ni Sharon sa pic nila ni Miel sa Instagram.

Samantala, showing pa rin ang horror movie ni Sharon na “Kuwaresma.” Nagpasalamat siya sa word of mouth na kumalat kaya naman palabas pa rin ito sa mga sinehan at happy ang lahat ng involved sa movie sa resulta nito sa takilya.

Mga fan nina Andrea, Bianca-Miguel nagpatalbugan

Grabe ang lakas ng sigawan, tilian at hiyawan galing sa nanonood ng premiere night ng isa pang horror movie na palabas sa Wednesday, ang “Banal,” mula sa APT Entertainment.

Patalbugan ng tili ang fans nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix versus fans ni Andrea Brillantes sa kada eksena ng mga idolo sa screen.

Tagumpay ang movie na manakot. Eh sa gubat kinunan ang halos kabuuan ng pelikula kaya sa kada eksena sa bundok eh nakakatakot na!

Magagaling din ang cast. Ito na yata ang biggest break ni Kim Last sa big screen at may mga diretso siyang dayalog na Tagalog, huh!

May tanong nga lang kaming tikom ang bibig ng staff ng production pero dahil naitawid naman ang layunin ng movie para magustuhan ng manonood, pinagbigyan na lang namin ang hiling nilang manahimik sa isyu.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy