Una sa Balita

Sharon ayaw na ng baboy

0 345

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyTotoong pumayat na nang todo si Sharon Cuneta, na kitang-kita ang ebidensya sa presscon ng “Kuwaresma” na prodyus ng Reality Entertainment, kasama si John Arcilla, sa direksyon ni Erik Matti.

Pagbaba pa lang ng Megastar sa kanyang van sa Valencia Events Place ay kita na agad na impis na impis ang tiyan niya.

At sa ma-ikling tsikahan namin ni Shawie bago magsimula ang presscon proper, sinabi niyang mara-ming pagkakataon na nakakalimutan niyang kumain at minsan biscuits lang ang naisusubo niya.

Wala raw siyang program diet pero hindi na siya kumakain ng rice. Nawalan na rin siya ng appetite sa meat.

Sa bakasyon nila sa Korea, deadma raw si Sharon sa masasarap na paborito niyang Korean food.

Isa pa sa rebelasyon ni Sharon, hindi na siya nagsusuot ng girdle para itago ang kanyang tiyan.

Hindi nang-e-echos si Megastar dahil nu’ng magpa-picture ako sa kanya at nakapa ko ang kanyang beywang, wala nga itong suot na girdle.

Sa tsikahan naman namin kay Direk Matti, nagbiro itong sa shooting nila sa Baguio ng pelikula pumayat si Sharon. Pag-akyat daw nito sa Baguio kung saan ginawa ang buong pelikula, may mga times na sinasabi ni Sharon na hindi pa siya kumakain.

Desidido talaga si Sharon na pumayat, na ayon sa kanya ay for health reasons na rin.

Siyanga pala, mapapanood pa ang kuwento at tsika ni Sharon sa coverage ng “Abantelliling” namin ni Dondon Sermino sa Facebook page ng Abante News Online at sa YouTube.

Direk Erik nabaliw sa husay ni Megastar

Nabaliw nang husto si Direk Erik Matti sa husay ni Sharon Cuneta sa mga eksena nito sa lalabas nilang movie na “Kuwaresma” na prod­yus ng Reality Entertainment Inc.

Dahil big star at first time na maidirek ni Direk Matti si Sharon sa isang movie project (ilang beses na silang nagkatrabaho sa mga commercial), hindi nito sinayang ang pagkaka­taong hindi mabigyan ng moment ang Megastar sa movie.

Binigyan ni Direk Matti si Sharon ng monologue sa pa-ending na ng pelikula.

Hindi biro ang monologue dahil 15 minutes itong in-execute ni Sharon nang walang reklamo. Tumambling si Direk Matti sa husay ni Sharon nang ilabas lahat niya ang mga emotion na hina­hanap nito hindi lang sa eksena kundi sa buong istorya.

Alam ni Direk Matti na mahusay na aktres si Sharon, pero nasorpresa ito sa ipi­namalas pang ma­tinding acting piece sa eksena. Puring-puri ni Direk Matti si Sharon sa pagiging intelligent at sensitive actress nito.

Ibinida ni Direk Matti na sa shooting nila, walang cut-off time si Sharon. Meaning, kahit abutin pa ng mada­ling-araw ang kanilang shooting ay okey lang.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy