Una sa Balita

Sharo, Bela, Alessandra, Joanna, Mary Joy bakbakan sa 2nd Eddys ng SPEEd

By
0 3,462

Matinding bakbakan ang magaganap sa limang de-kalibreng pelikula para sa Best Film category ng 2nd Eddys Awards ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong darating na Mayo, 2018.

Ang mga nominado sa Best Film ay ang: Birdshot (TBA Studios); Deadma Walking (T-Rex Entertainment); Respeto (Cinemalaya Foundation, ArkeoFilms, Dogzilla); Smaller And Smaller Circles (TBA Studios); at Unexpectedly Yours (Star Cinema).

Pero siyempre, kaabang-abang ang bugbugan sa Best Actress, dahil maglalaban ang beteranang si Sharon Cuneta para sa Unexpectedly Yours, pati na ang medyo matagal na rin sa showbiz na sina Bela Padilla para sa 100 Tula Para kay Stella, Alessandra de Rossi para sa Kita Kita, at pati na sina Joanna Ampil para sa Ang Larawan at Mary Joy Apostol para sa Birdshot.

Anyway, tatlong special awards din ang ipamimigay ng Eddys ngayong taon: ang Joe Quirino Award ay igagawad sa yumaong movie reviewer at professor na si Mario Hernando (Posthumous); Manny Pichel Award ay ibibigay sa Entertainment Editor at columnist na si Ricky Lo; at ang Producer of the Year ay igagawad kay Vic del Rosario, Jr., ng Viva Films.

Bibigyan din ng special tribute (Posthumous) si Mario Hernando, ang mga direktor na sina Maryo J. delos Reyes, Soxy Topacio, Maning Borlaza, Argel Joseph, ang aktres na si Isabel Granada at award-winning veteran actor na si Bernardo Bernardo.

Pararangalan din sina Alfie Lorenzo, Cornelia ‘Angge’ Lee, Donna Villa, Chinggoy Alonzo, Romeo Vasquez, Herminio ‘Butch’ Bautista, Willy Cruz, Zeny Zabala, Rolly Quizon.

Ang pagbibigay ng award ng SPEEd ay isang paraan para i-encourage, lalong pataasin ang moral at patuloy na magbigay-inspirasyon sa mga Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pa na kasama sa pagbubuo ng isang matino at dekalidad na pelikula.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More