Una sa Balita

Sharapova pumalag kay Wozniacki

0 9

Simple, pero malaman ang naging resbak ni Maria Sharapova ng Russia sa mga patutsada ni Danish netter Caroline Wozniacki hinggil sa iskedyul ng laro sa US Open na umano’y pumapabor sa kanya: “I’m in the 4th round. I don’t know where she is.”

Nagalit si Wozniacki na ang kanyang second round match ay inilagay sa outside court, habang si Sharapova, five-time major winner, na halos lahat ng laro ay sa Arthur She Stadium.

Ayon sa Danish pla­yer, hindi umano katanggap-tanggap at kuwesti­yonable na si Sharapova, na lumalaro ng kanyang unang Grand Slam matapos masuspinde dahil sa drugs ban, ay sa showpiece court nakaiskedyul ang mga laro.

“With regards to scheduling, as you know, I don’t make the sche­dule,” lahad ni Sharapova matapos makarating sa fourth round kasunod ng 7-5, 6-2 win laban kay Sofia Kenin ng US.

“I’m a pretty big competitor. If you put me out in the parking lot of Queens in New York City, I’m happy to play there. 

“That’s not what matters to me. All that matters to me is I’m in the fourth round. Yeah, I’m not sure where she is,” dagdag pa ng Russian player.

Si Wozniacki, hindi pa nananalo ng Grand Slam, ay natalo sa kanyang second round match kay Ekarerina Makarova noong Miyerkules nang ilagay sa Court 5 ang laro matapos sipain sa Court 10.

“When you look on Center Court, I understand completely the business side of things, but someone who comes back from a drugs sentence — performance enhancing drugs – and all of a sudden gets to play every single match on Center Court, I think that’s a questionable thing to do,” komento pa ng galit na Danish former world number one.

Makakalaban naman ni Sharapova sa susunod na round si Latvian 16th seed Anatasija Sevastova.